26.4

1.4K 69 2
                                    

RICHARD

Hindi ko alam kung nanadya 'tong si Meng eh. Pero ang tagal ah. Alam ko naman na sinabi ko na take your time pero grabe naman. Sabi niya hahatid niya lang sa kwarto eh. Kung tutuusin kanina pa sila matagal. Matagal rin sila bumaba sa kotse kanina.

Sobrang close talaga nila ni Kenneth. Matagal ko namanang napansin. Kung sa bagay, halos magkapit bahay ata sila tapos pareho pa silang lawyers. Naging best friend niya na lang siguro dun si Kenneth.

Kanina pako napapatingin sa pinto, feeling ko kasi any minute lalabas na si Meng. Pero wala. Naaatat na ko, hindi ako mapakali.

Naalala ko nanaman yung magkatabi sila kanina sa inuman. Ganda na sana ng view ko eh, kaso sobrang sweet naman nila kanina. Friends pa ba yun. Kung hindi ko siguro sila kilala, I would assume sila.

Hay nako Richard, nagseselos ka lang. Inaamin ko naman seloso ako. Pero parang grabe naman kung pati si Kenneth pagseselosan ko pa. Ewan, for some reason hindi ako nagseselos kay Kenneth.

Tapos napangiti ako kasi naalala ko yung ako yung inalagaan ni Meng nung ako yung lasing. Pero nawala rin agad kasi pano kung mas sweet pa pala siya kay Kenneth ngayon? Baka mas maalaga siya kay Kenneth compared sa pag alaga niya sakin?

Okay I take it back. Pinagseselosan ko nga si Kenneth. Tumingin ako sa cellphone ko. Wala. Tumingin ulit ako sa gate. Wala.

Menggay. Nasan ka na?

MAINE

Okay na. Nasa kwarto na si Kenneth, goods. Palabas nako nang biglang may bumukas ng ilaw sa kitchen, shet! Muntik akong himatayin talaga!

Mom pala ni Kenneth. Buti di ako nagmura. Nag bless naman ako.

"Hi tita. Sorry nagulat po ako."

"Sorry kung natakot kita iha. Lasing na lasing ba?"

"Opo eh. Sorry po."

"Hindi naman first time yan iha." Ah talaga? Hindi ko alam yun ah. Palagi pala 'tong umuuwing lasing.

"Ahh. Sige po tita, una na po ako."

"Ay huwag muna, mag kape ka muna o. Thank you ko na rin sa pag aalaga kay Kenneth. Upo ka dito."

Alangan namang humindi ako diba. Bibilisan ko na lang. Nung nakaupo nako, hinanap ko cellphone ko. Shit naiwan ko pa ata sa kotse ni Kenneth.

Inabot na sakin ni tita. Tapos nag kape rin siya. Ang dami niyang kwento, sa totoo lang ang hirap iprocess kasi iniisip ko lang si Richard na naghihintay sakin sa labas. Pero syempre hindi ako makaalis hanggang hindi niya nauubos yung kape niya kasi respeto na lang diba. Dun medyo natagalan. Wala naman akong magawa. Wala rin naman akong cellphone.

Nung naubos na ni tita yung kanya, tumayo na siya tapos kinuha niya rin mug ko para ilagay sa sink.

"Paano ka nga pala uuwi iha? Pwede ka naman dito matulog, lampas midnight na ata."

"Ah hindi na po. May sumundo po sakin. Pahinga na rin po kayo."

"Ah ganun ba, kanina pa ba nandiyan sundo mo? Pasensya ka na ha."

"Hindi po, kakadating nga lang eh." Sobrang imbento mo Maine.

"Mabuti naman kung ganun, sakto lang pala eh. Hatid na kita palabas."

Hinatid na niya ako tapos nagbeso ako sakanya bago umalis. Naglakad ako ng medyo mabilis papunta sa sasakyan ni Richard. Gising siya, akala ko nakatulog na eh. Pero hindi siya masaya. Well, kahit naman ako hindi matutuwa eh.

Tahimik lang siya so ako na nauna. "Sorry natagalan."

He didn't reply. Quiet lang siya. Nagpapaguilty pa ata 'to eh. "Sorry talaga, kasi gising pa pala si tita, so nung paalis nako, nag offer pa ng coffee. Hindi naman ako maka hindi."

Sumagot na siya, "Wow, nakipag kape ka pa kasama mom niya."

"Sasabihan naman sana kita. Pero syempre alangan naman mag invite pako, nakakahiya na nga eh. Sorry talaga."

Hindi nanaman siya sumasagot. Hay nako, ayoko talaga yung ganito. Lalo na kung ako yung mali kahit hindi ko naman talaga kasalanan.

"Sabi ko naman kasi sayo kung hindi ka makahintay, uwi ka na lang." Tumingin lang siya sakin nang sobrang sama.

"Sabi ko nga eh, thanks for waiting and for driving me home. Sorry talaga natagalan."

Wala pa ring imik.

So kiniliti ko siya sa tenga.

"Meng! Gusto mo ba maaksidente tayo?!"

"Relax, hindi na, sorry na kasi."

Hindi nanaman ako pinapansin. "Huy. Huy. Huy." Dinudutdot ko braso niya. Tapos nung papalapit na daliri ko sa tenga niya. "Subukan mo lang, Menggay."

Nakangiti lang ako tapos palapit pa rin ng palapit daliri ko sa ear niya. Tapos siguro dala na sa alak, kiniliti ko ulit siya sa tenga. Kinuha niya kamay ko tapos tinigil yung kotse sa gilid. "Sabi ko huwag nga diba!"

Hindi nako makapagpigil, tawang tawa ako. Sobrang iritable niya. Ang cute. Ayan ka nanaman Meng.

"O hindi na nga. Sorry na kasi. Huwag ka na masungit. diyan" Nakahawak na ko sa braso niya, shaking him. "Sorry na nga. Sorry."

Hindi niya pa rin ako tinitignan. "Ngingiti na yan. Swerte ka nasa kabilang side dimple mo, hindi ko nakikita. Sorry na." Sobrang nagpapacute nako, walang effect.

"Gawan na lang rin kitang kape sa bahay, gusto mo?" Wala pa rin siyang sagot. Ang arte nakakapikon. "Okay, ede hindi. Tara na nga, paandarin mo na yung kotse." Tapos nag dabog lang ako sa side ko tapos di ko na siya tinignan.

Pinaandar na ulit niya yung car. Narinig ko siya nag exhale. "Ikaw ba magtitimpla?"

Sasagot rin pala eh. "Oo nga, pambawi ko na nga sayo eh."

"Specialty mo ba yan? Dapat masarap yan ah."

Ako naman yung hindi na sumasagot kaya siya naman yung makulit. "O, bat napipikon ka diyan. Ito na nga o, kinakausap ka na o."

"Nakakainis ka eh, ang dami mo pang arte."

"Nagpapalambing lang eh."

"Okay." Palambing mo mukha mo.

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon