21.3

1.5K 71 1
                                    

I woke up nang madaling araw I think cause I'm getting hungry.

Nagulat ako andito pa rin si Kenneth. Agad naman siyang nagising sa konteng galaw ko.

"May gusto ka? Gutom ka na noh?" He said this while rubbing his eyes. I just smiled, tapos tumayo naman siya agad. Napangiti lang ako, too sleepy to talk. Iniisip ko kung totoo ba talagang dumating si Louise or panaginip ko lang ba yun. Sino niloko mo, Maine. Alam mo namang totoong nangyari yun.

Naisip ko kung kukunin ko na ba phone ko, pero nakakatamad tumayo tsaka wala naman akong kakausapin ng ganito ka aga. Tulog pa magulang ko sigurado. Tsaka kahit alam ko gagawin ni Kenneth lahat ng iuutos ko sakanya, huwag na. Abusado nako nun.

Pag balik ni Kenneth, I forced myself to sit up straight para makakain. Nakatingin lang sakin si Kenneth.

"Bakit, ganyan ka makatingin?"

"Ang taray naman. Tatanungin sana kita kung gusto mo bang subuan kita pero mukhang kaya mo naman."

Natawa ako tapos pinakita ko sakanya na kaya kong kumain mag isa. Sumubo ako ng medyo OA.

"Alam mo, pusta tayo kung nandito si Richard, nagpasubo ka na." Hihirit pa 'to eh.

"Ikakasal na yung tao huy, tantanan mo na."

"Bakit, wala namang masama dun ah. Ikaw talaga." Sarap batuhin ni Kenneth ng kahit ano, eh remote lang ang abot ko. Binato ko nga sakanya. Bwiset. "Uy! Adik ka, masira yung remote hoy."

Natawa na lang kami. Tapos siningit ni Kenneth, "Akala ko talaga break na sila."

"Sabi ko sayo chismis lang yun eh. Ayaw mo kasing maniwala sakin."

"Wala lang. Kasi, huwag ka magagalit ha, akala ko talaga somehow someday kayo pa rin magkakatuluyan." Nabulunan ako. Tangina naman Kenneth o. "O, easy! Sinasabi ko lang."

"Pati ba naman ikaw Kenneth? Alam mong buong pamilya namin umaasa pa rin talaga diba? Lagi ko nga sinasabi, kami nga nakamove on na, dapat kayo rin." Patawa kong sinabi. Aasa pa rin ata sila kahit pareho na kaming kasal. Wow Maine, kasal agad, wala ka ngang boyfriend, huwag ka nga diyan.

"Wow ha."

"Seryoso kasi Kenneth."

"Alam ko. Pero seryoso rin ako. Kala mo di ko alam kung bakit ka nagkasakit in the first place?"

"Okay wow ha, ede kung alam mo pala bat galit na galit ka diyan kanina pag dating mo? Kung alam mo pala sana dumerecho ka kila Richard, ede sana nakita mo kotse ko dun nakapark."

"Okay fine mali pagkasabi ko. Hindi ko pa alam nagkasakit ka eh! Pero alam ko na nalasing si Richard nung gabi at ikaw ang hinahanap!"

"Para ka namang gago kausap eh, kinwento ko sayo lahat diba."

"Hindi kasi, before pa nun! Hindi ko lang alam na nagkasakit ka pala."

"Ede bakit di mo ko pinuntahan dun? Ede sana nauwi mo nako agad diba?"

"Ewan ko rin eh kung bakit di kita naisip puntahan dun."

"Para ka palang ewan eh. Ewan ko sayo, ang hirap mong kausap." Kakain na lang ako at nakakapagod kausap ang malabo.

"Pero akala ko sa reunion pa siya mag popropose? Bakit para namang minadali.." Napaka chismoso nang lalaking 'to talaga.

"Kasi naman, yung mga ganyan minsan di napaplano yan. Sometimes they just happen and you let them. Alamo yun, just go with the flow." Mas romantic kaya ang hindi planado.

"Wow, alam na alam mo talaga? Expert ka sa ganyan?"

Tinignan ko siya ng masama. "Ganun naman talaga diba? Kung timing na nagsasabi na that's the right time, ikaw pa ba ang mag iinarte?"

"Wala lang kasi naisip ko, kailan siya nagpropose exactly? Kasi kakauwi mo lang nung morning nun diba, tapos sabi mo pag alis mo natutulog pa si Richard. So ano yun, pag gising niya, naisip niya lang bigla, shet mag popropose nako ngayon."

Napapagod nako sa usapang 'to. "Bakit hindi? Pwede naman yun ah. Tsaka kung gusto mo talaga malaman, tanong mo si Richard."

"Alam mo ikaw, sobrang taray mo nanaman eh. May sense kaya sinasabi ko. Kung ako yun, hindi ako ganun mag popropose."

"Eh ikaw yun eh, hayaan mo na si Richard sa trip niya. Parepareho lang naman yang proposal lahat. At the end of the day, nagpropose kayo pareho kahit iba iba yung trip niyo kung pano niyo gagawin." Tapos nako kumain. Parang gusto ko matulog ulit. "Okay lang ba kung matulog ulit ako? Gusto mo pa ba mag stay? Alis ka lang kung kailan mo gusto ha."

"Oo, pero tatambay muna ako dito. Teka, wala ka bang gamot na kailangan inumin?"

"Doctor ka na rin ngayon?" Sabi ko kay Kenneth sabay takip nang kumot sa ulo ko.

"Sorry naman ah, si Richard mo lang pala ang pwedeng maging doctor." Agad ko inalis yung kumot sa ulo ko at tinignan ng masama si Kenneth.

"What? May mali bakong sinabi?" Pa-inosente pa 'to. Hindi ko na siya pinansin at natulog na. Bwiset, ayoko na nang may sakit please. 

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon