23.4

1.5K 76 1
                                    

Sobrang awkward. My parents came in with Richard. Everyone was just quiet. Tapos ginreet na ni Kenneth and Val parents ko. Tapos I hugged them both.

Nakatingin lang sakin sila Val pati Kenneth. I know guys, I have no idea what to do also. Hindi lang kayo yung nagulat.

"Uuwi na po pala kayo, hindi niyo man lang ako sinabihan."

"We wanted to surprise you, anak. So what's been happening?" My mom looked at everyone and then to Richard. Shit. My friends don't deserve this. They have done enough for me today.

"Actually, pauwi na po sila Val pati Kenneth po eh." Halos itulak ko sila palabas.

"We bought dinner, baka gusto nila kumain dito?"

Ako na sumagot para sakanila. "Hindi na ma, may mga plano na sila eh." Nakatingin sila sakin, lalo na si Kenneth, ayaw niya ata umalis. Pero hindi ko kaya gawin sakanila 'to. Hindi naman nila kailangan madamay. Inassure ko sila, nag uusap lang kami sa mata.

"Oo nga po, tita, kailangan na po namin mauna." Isa isa na nag paalam sila Kenneth and Val. Tinaas pa ni Kenneth cellphone niya as if to say text or call me as soon as you can. I raised my eyebrows twice to let him know I understood and that I will be fine.

Inayos na ni mommy yung dinner table. "Iho, ako na tatawag sa parents mo, dito ka na kumain. Tsaka Menggay, tulungan mo mag ayos yan." Utos ni daddy, syempre hindi naman ako gago para sagutin pa o umangal. Sobrang di sila natutuwa.

"Okay po tito. Pero okay lang po talaga ako."

Tinignan lang siya ni daddy. "Nakita mo na ba itsura mo anak?"

Hay nako Richard, mabibingo tayo lalo eh. "Hindi dad, sige ako nang bahala sakanya."

"Kuha ka lang damit ko Menggay ha. Nakita naming yan umaakyat sa gilid, sa may room window mo." Nagulat ako, tinignan ko siya pero feeling ko nakanganga lang ako.

Nakatingin lang si dad samin, kaya sinagot ko na. "Yes po, dad."

"Sige, iwan ko muna kayo."

"Thank you, tito."

So ayun na nga, tangina.

"Meng, I'm sorry. Hindi ko alam dadating sila tito tita. And I'm sorry rin dahil dun sa post, promise – " Pinigilan ko na siya. Ayoko munang pag usapan yun, sa totoo lang.

"Chard, shush okay. Huwag na muna natin pag usapan yan, okay? Ano munang pumasok diyan sa kukote mo at inaakyat mo bintana ko?"

"Ahh ano kasi eh, uhm." Sinubukan niyang pagpagan sarili niya. Dun ko nakita parang dumudugo kamay niya.

Kinuha ko kamay niya."O, dugo ba yan?" Hay nako naman. "Ano, san yung sugat?" Binaliktad baliktad ko kamay niya at inisa isa yung daliri, asan na ba kasi yung sugat.

"Teka nga, kukuha akong gamit. Maligo ka dun, pag tapos mo, tsaka natin titignan yan. Tsaka doctor ka naman, tignan mo na rin yan, kung kailangan ba natin dalhin ng hospital or what. Okay?"

Hindi siya nakasagot. Para siyang batang na sobrang hiyang hiya. Hanggang sa tumungo na siya, "Okay.."

"Okay. Wait there." I ran to my dad's closet and grab whatever I think he needed.

Hay nako Richard, minsan parang 'di tayo nag iiisip eh...

RICHARD

Sobrang nakakahiya. Wala akong mukhang maharap. Bumalik naman agad si Menggay at inabot sakin mga dala niya.

"Salamat."

"Sige na, maligo ka na dun. Hintayin ka daw namin for dinner."

"Okay."

"Yung sugat mo ha, balitaan mo ko."

Naligo nako. Binilisan ko kasi nakakahiya naghihintay sila tito. Tinignan ko yung sugat. Kailangan ko atang mag pa tetanus shot. Pero mamaya ko na poproblemahin yun.

Pag tapos ko maligo, andun na nga sila sa table naghihintay sakin. Hindi ko alam kung san ako uupo. Sa tabi ba ni tita o ni Meng. Tapos nakita ko may plastic bag sa tabi ni tita. I guess sa tabi ni Meng nga. Sabi ko nga eh.

Umupo nako. Tahimik lang lahat. Kumakain. Si Meng na ang di nakatiis.

"Bakit po napaaga ang uwi niyo? Sana sinabihan niyo ko para nakapag ayos po."

"Natapos na yung aayusin namin dun atsaka minadali na rin naming nung nalaman namin nagkasakit ka. Kamusta na nga pala pakiramdam mo anak?"

"Okay naman po, may konteng ubo at sipon na lang pero wala naman po atang fever."

By instincts, hinawakan ko bigla noo niya, medyo mainit ah. Pero sabi ko na lang, "Oo nga po, wala na pong fever."

Nagulat siya tapos tinignan ako na parang bang bawal ko siyang hawakan. Sorry naman.

Tahimik lang ulit. Wala na samin ni Menggay nagsalita. As if alam namin that it's coming.

"May gusto ba kayong sabihing dalawa?" Ayun na nga, simula na. Kasalanan ko 'to eh. Ano nga ba naisip ko at inakyat ko yun. Tumingin sila kay meng una, "Meng?" Tapos hindi siya tumingin. Alam ko na ako next, kaya yumuko na rin ako konte. "Richard?" Sabi na eh.

Para kaming mga bata na pinapagalitan ng magulang namin. Anong sasabihin ko?

Kung sa iba 'to nangyari, nakakatawa sana eh.

----------------------------------------------------------------

To be continued....    

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon