28.3

1.6K 87 1
                                    

Nakadating kami sa resort around 6:30pm. Ako na nag drive the whole way since our mcdo drive-thru. Okay lang naman sakin. Mas gusto ko na rin yun lalo na kung itong magkapatid parehong knock out. Sa bagay, baka nung tulog ako, gising silang dalawa. So quits lang.

I parked sa tabi ng car ng parents. Man I'm hungry, pero gusto ata nila mag check in muna. I have time pa kasi may next call to the client is two hours from now pa. May wifi rin naman siguro dito so I can do work. As much as I hate doing work while on vacation, I just couldn't say no to this case. I'm not one to say no to a senior partner. Tsaka kaya naman isingit sa mga bagay bagay kaya okay lang.

Nagising si Riza una. "Kanina pa tayo nakadating?"

"Hindi naman. Kakadating lang. Good morning."

Tumingin siya sa likod tapos natawa tapos binuksan na door niya, "Ikaw na bahala diyan ate."

Itong si Riza pasimple eh. Tapos tumingin ako kay Richard. Grabe naman. Tulog na tulog lang. Ewan ko ba, hindi ko na napigilan, dinudutdot ko na dimple niya. "Gising na, andito na tayo." Nakikita kong lumalalim dimple niya. Gising na 'to.

Dinudutdot ko pa rin dimple niya kasi wala lang tapos nakatingin lang ako sakanya.

Bigla lang siya nag salita habang nakapikit pa rin, "Enjoy ka?" Hindi ako sumagot pero dutdot pa rin. "Namiss mo?" Tumigil na ko.

"Tayo na, check in na daw tayo. Naghihintay na sila." Tapos lumabas nako.

Binuksan ko rin yung likod para kunin mga gamit ko. To be honest, hindi ako napag impake, pero tiwala naman ako sa mommy ko that she packed for me. Andito nga yung laptop bag ko katabi ng maleta. Nag stretch pa yung isa sa loob. "Tara na."

"Ito na po."

Hinintay ko siya bumaba at kunin gamit niya. Tapos binigay ko na sakanya yung susi.

Pag pasok namin sa may lobby, pumunta kami kung san nakatayo mga pamilya namin.

Si daddy na nagsalita, "Well Menggay, puno sila. And apparently, hindi nila na book all four rooms. Three lang. So naisipan namin, and okay na rin samin, kung one each room yung parents tapos kids in one room. If okay lang sa inyo?"

"Oo naman dad. Walang problema." Tapos tumingin siya kay Richard, "Syempre naman po tito, kung okay lang kay Meng, okay lang rin po sakin."

"Okay kung sa ganun. Magkakatabi lang naman rooms natin. Ito na yung susi, in 15 – 20 minutes meet lang rin tayo for dinner, okay?"

I nodded. Kinuha ni Richard yung key tapos pumunta na kaming rooms. So two floors yung hotel, tapos sa may lobby andun na rin yung restaurant malapit, sa second floor kami lahat. Walang elevator.

"Gusto mo ako na magdala ng gamit mo?"

"Hindi na, okay lang ako. Salamat."

"Ah okay sige." Tapos sumingit si Riza, "Kuya akin na lang please, pakidala?"

Natawa ako, tapos hindi rin naman nakahindi si Richard kay Riza.

Pag pasok sa room, medyo malaki rin naman. Isang queen sized bed at isang single bed. Syempre, kami ni Riza sa queen bed, si Richard naman mag isa sa isa.

Binaba ko lang gamit ko tapos laptop agad. Kasi chinecheck ko na agad yung wifi. Nakalimutan kong tanunging yung password pero naunahan nako ni Riza.

"Wala daw po wifi dito sa mga rooms, sa restaurant lang daw meron. Pero 24 hours naman daw yung restaurant."

"Ahh ganun ba? Okay. Thank you."

"Marami ka bang work, ate?"

"Medyo eh, pero okay lang naman, may kailangan lang sana akong icheck pero mamaya na lang." Tumayo ako, since wala rin naman, naisipan ko mag quick shower na lang before dinner. "May gagamit ba ng cr?" Umiling naman sila pareho. "Sige, una nako ha."

Kinuha ko na gamit ko, ano kayang mga inimpake ni mommy for me. Nakita ko yung shades ni Richard nasa ulo ko pa, balik ko na nga. "Shades mo nga pala, thank you."

"Ah, thanks, welcome." Pag abot ko sakanya, pumunta nako ng cr.

RICHARD

Medyo natuwa naman ako na isang kwarto lang kami tatlo. Wala lang, at least mas makakasama ko siya kahit papano sa buong trip na 'to.

"Parang busy si Ate no, parang ang dami niyang iniisip. Siguro sobrang importante, kasi never ko pa siyang nakitang ganyan. Tapos baka medyo urgent rin kasi usually hindi naman talaga siya nagwowork pag nandito siya diba."

"Oo nga eh. Pero nakakatuwang makita yung lawyer side niya. First time ko rin siyang nakitang ganyan."

"Sana lagi rin kayong bati. Nakakatuwa kayong makitang ganyan ulit."

Nagulat naman ako sa banat ng kapatid ko, alam ko work ni Meng pinaguusapan eh.

"Grabe ka kuya, yun lang sinabi ko kung kiligin ka naman!"

"Huwag ka ngang maingay Riza, marinig ka nun eh."

"Eh ano naman ngayon kung marinig niya? Ang tagal mo kasing in denial diyan eh, kala ko talaga pakakasalan mo na si Ate Louise. I mean okay naman siya, mabait naman siya sakin eh. Tsaka ang unfair nun pag icocompare ko siya kay Ate Meng. Pero wala lang."

Hay nako, itong kapatid kong 'to. Kala mo hindi kami nagkikita sa bahay eh, talagang ngayon siya nag oopen up about sa mga ganyan.

"Alam mo ikaw, halika nga rito! Bakit ang daldal mo? Lagi naman tayo nagkikita sa bahay."

"Kasi naman kuya, nahahappy talaga ako makita kayong ganyan."

"Pero alam mo naman ikaw talaga itong pinaka irreplaceable sa lahat."

"Hay nako kuya, kung si ate Meng lang rin ang ipagpapalit mo sakin, okay lang talaga sakin!"

"Baliw ka talaga, maka Menggay ka eh noh."

"Syempre naman. Sakanya kita nakita pinakamasaya eh."

Napangiti lang ako dito. Tapos biglang may nagriring na phone. Mga tatlong ring pa nung biglang lumabas ba naman si Menggay nang nakatapis. Nagulat ako tapos bigla na lang ako tumalikod. "Meng naman!"

Tumawata lang si Riza sa tabi ko. Ang dami nang tawa ng batang 'to today ah.

"Sorry. Relax. Kailangan ko lang sagutin 'to." Sinagot na niya cellphone niya at bumalik sa cr.

Mababaliw ako sa babaeng 'to.

Well actually, matagal na pala akong baliw sakanya.

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon