25.2

1.6K 76 1
                                    


Dumating na si Richard with my coffee.

"Hi Menggay!" Tinaas niya yung dala niya. Tinry ko hulaan where he bought the coffee. But I couldn't tell. I guess medyo halata na I wanted to know where it's from, so he said again without me having to ask, "Homemade. Gawa ni mommy, with love. Special delivery!" Pumuputok nanaman dimples nito. Ano namang meron at ang gwapo niya today. Well gwapo naman siya everyday, but extra gwapo today.

Walang meaning yun, sinasabi ko lang.

"Pasok ka. Dun na lang tayo sa dining."

"Sila tita andito?"

"Oo nasa kwarto nila nagpapahinga."

"Ahh may dala rin ako para sakanila eh." Pumwesto na kami sa may table.

"Mamaya na lang pag bumaba sila. Magugutom rin yung mga yun." Napatingin ako sa kamay niya, naalala ko bigla yung sugat niya, "Kamusta nga pala sugat mo? I heard dinala ka pa daw ni daddy sa hospital."

"Ah, yeah. Kailangan pala ng shots eh. To be sure na rin." He looked at his hand too. Tapos bago pa niya ituloy yung sasabihin niya. Natawa na lang kami pareho. Sobrang tanga kasi neto eh.

"Ano ba kasi naisip mo nun?" Natatawa ko pang tinanong.

"I was desperate okay. Malay ko ba uuwi sila tita. Diba I talked to them on the phone also, sabi nila matagal pa sila makakauwi. Shit talaga, of all people na makakita sakin."

"Sa tingin mo alam ng parents mo?"

"Knowing our parents, malamang. And the fact that they didn't ask me anything pag uwi ko nun, I know already that they knew. I appreciate them not asking me questions kasi sobrang nakakahiya talaga." Natatawa nanaman siya sa sarili niya.

"Nakwento ba nila sayo pano nila ako nakita?" Actually, hindi nila nakwento kasi di rin naman ako nagtanong. Ayoko rin naman mag tanong. So umiling ako na hindi. Agad naman tumayo si Richard at kinwento sakin lahat and how, talagang dinedemonstrate niya exactly ano itsura niya nung tinawag siya ni tita bigla.

"OMG ka. Nakakaloka. Kaya pala ganun na lang itsura nung mga yun."

"Sobrang muntik ako mahulog. Hindi ko talaga alam pano ko malulusutan yun. Tapos pinanood pa nila akong bumaba. Hassle." Umupo na ulit siya. Tapos wala na, nauubos na tawa namin. Nakatingin lang ako sa kape ko.

"Ikaw, kamusta pakiramdam mo?" Nakatingin siya sakin pero ako sa kape ko lang.

"Better na, okay nako. Pahinga lang talaga." I smiled and looked at him.

"That's good. You sound better too. Sakto okay ka na for the reunion."

"Yeah, yun naman talaga inuwi ko dito kaya gusto ko talaga 100% by then. Kaya okay naman."

Tahimik ulit.

"Bukas pala, lalabas kami nila Sam, gusto mo sumama?"

"May lakad na kami nila Kenneth bukas eh, nakapag yes nako sakanila. Pero malay mo magkita lang rin tayo."

"San ba kayo?"

"Hindi ko pa alam eh."

"Hindi mo alam? Ano yun? Sumasama ka lang sakanila kahit saan?"

Actually. Oo parang ganun na nga. So I nodded my head. "Yeah, sama sama lang."

"Text mo ko or tawagan mo ko if kailangan mo may mag hatid sayo pauwi ha."

Natawa ako bigla. Talaga lang ha? "Sigurado ka ba? Kasi parang last time ako sumundo sayo nun eh. Baka ikaw ang kailangang sunduin."

"Susunduin mo 'ko?" Labas nanaman dimples ni gago.

"Huwag ka magulo, hindi ako magdadala ng kotse bukas."

"Ahh susunduin ka nila dito? Okay okay. Ako na lang magdadala. Malay natin diba."

Asa pa more Richard. "Huwag ka na rin mag dala ng kotse para makapag enjoy ka."

"Eh pano kung kailanganin mo ko?"

"Huwag ka ngang OA." Pinalo ko pa siya kasi nakakainis ang landi.

"Bakit, totoo naman. Gusto ko lagi akong ready in case kailanganin mo ko."

"Chard seryoso kasi. Okay lang ako. You don't have to worry about me."

Natigilan siya bigla tapos nilapit niya tenga niya sakin. "Paki-ulit nga."

Nag taka naman ako, ang weirdo nito. "Paki-ulit ng alin? Okay lang ako, you don't have to worry about me?"

"Hindi yan! Tawagin mo 'kong Chard ulit." Tapos nag aabang lang siya yung tenga niya nilalapit niya sakin.

Parang gago 'to. "Bakit, anong meron dun?"

"Sabihin mo na lang ulit pangalan ko please."

"Richard." Tapos umayos ulit siya ng upo at humarap sakin. "O, sabi mo sabihin ko pangalan mo diba?" Nagaadik nanaman 'to.

"Grabe 'to, kahit sa ganun 'di mo ko pagbibigyan? 'Chard' lang eh."

"Parang ewan 'to, ano bang meron dun? As if naman ako lang tumatawag sayo nun."

"Oo nga, hindi lang ikaw tumatawag sakin nun. Pero sayo pinaka favourite ko. Music to my ears yung galing sa'yo." Pinalo ko nga siya ulit, nakakainis!

"Ang corny mo, alam mo ba yun. Ganito ka pala manligaw ha?"

Tumingin lang siya sakin. "What do you mean? Parang hindi mo naman ata alam? Nakalimutan mo na ba? Inerase mo na ba talaga ako sa memories mo?"

"Yan ka nanaman, ang OA ha."

"Loko lang. Pero seryoso, niligawan naman kita nuon ah?"

Ako naman 'tong seryoso. "Excuse me, walang ligawan nangyari nuon. It just happened."

"Eh pano naging tayo kung walang ligawan?"

"Malay ko, nangyari na lang. Basta sure ako hindi ka nanligaw sakin nuon."

"Manhid ka ba? Nililigawan kita nun." Sobrang revelation 'tong sinasabi niyang 'to. Sobrang walang ligawang nangyari.

"Pano? Never mo kaya akong tinanong!"

"So yun lang basis nun? Hindi kita tinanong pero pinakita ko naman sayo ah. Actions speak louder than words diba? Yun na rin yun!"

Napaisip ako. Seryosong napaisip ako. Kasi never ko talaga naconsider that he was courting me. "So wait. Then when exactly ka nag start manligaw sakin?" Kasi looking back talaga, never ko narealise nanliligaw na siya. Nacurious na tuloy ako ng sobra.

He was about to answer. Then he smiled and randomly said while laughing, "You kissed me first kasi eh, kaya siguro feeling mo di kita niligawan."

Ginagago lang ako nito eh. Oh my god, tangina, kailangan bang balikan yun...

Pinalo ko ulit siya, nakakainis! Nanggigigil na ako. "Ayoko nang pag usapan yun. Ewan ko sayo kung nanligaw ka, basta kung ako tatanungin, di ka nanligaw."

He was laughing and was about to say something when someone was knocking on the door. I stood up. "Teka. Hold that thought."

Thank god. I needed to get away from that conversation. No to throwbacks like that please.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

To be continued.    

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon