29.2

1.7K 75 3
                                    

MAINE

When we got back almost two hours later, hindi pa siya nakakarecover sa boat ride, niyaya ko na siya agad mag jetski. He was already trying to remove his vest when I stopped him.

"Bakit mo tinatanggal yan?"

"Bakit hindi?"

"Eh kailangan mo pa rin magsuot niyan sa jetski."

"Seryoso ba talaga yang jetski na yan Meng?"

"Oo nga."

"Bakit hindi na lang si Riza isama mo?"

"Eh, may sarili na siyang jetski eh. Dali na, sabi mo kanina sama ka. Don't you trust me?"

"Meng, takot talaga ako." Nagmamakaawa na siya. So hindi ko na pinilit kung ayaw.

"Okay fine. Edi huwag. Ako na lang mag isa. Sabi sabi kanina sama daw, hindi naman pala totoo." Tapos nagwalk away nako.

Hinabol niya naman ako, "Ito na nga sama na ako."

"Hindi, okay lang. Huwag na. Okay na ako mag isa."

"Kung makatampo naman 'to, alam mo namang hindi kita matiis eh."

"Huwag na nga, napilitan ka lang eh. Huwag na, alam ko naman takot ka, hindi ka rin mag-eenjoy."

"Hindi, gusto ko. Mag-eenjoy ako kasi kasama kita." Tapos hinila na niya ako papunta dun sa magrerent ng jetski.

Napangiti nako. Kasi gusting-gusto ko talaga mag jetski. Syempre si Richard yung nasa likod kasi sa sobrang takot niya hindi kami aandar. Nung una, dinahan dahan ko lang.

Kapit na kapit na siya sakin, wala pa nga.

"Uy, ikaw chansing ka na ah!"

"Ikaw may gusto isama ako diba?"

Ah ganun pala ha. Binilisan ko na nga ng konte.

"Menggay!!!"

Tawa lang ako ng tawa. Hanggang sa hindi ko naayos yung isang pag turn kasi masyado nga akong mabilis. Muntik na bumaliktad yung jetski, pero bago pa yun mangyari nahulog na kami pareho ni Richard off the jetski.

Shit. Agad ko siyang hinanap tapos pinuntahan ko siya agad. Maiiyak na ata 'to sa takot. Pag abot ko sakanya agad niya akong niyakap, as in kapit siya sakin, nakayakap talaga siya. Tapos I held his face with both my hands and checked on him.

"O shh, shhh. Look at me lang. Look at me. Shit. Sorry Chard. Okay ka lang? Huwag ka na matakot, dito nako o, tsaka tignan mo, nagfofloat lang tayo dahil sa life vest o." Nag nod lang siya pero nanginginig siya talaga. Hay nako Menggay, kasalanan mo 'to eh.

"Nakainom ka ng tubig?" Sobrang lambing ng boses ko habang kausap siya. Parang baby na yung kausap ko.

Sumagot na siya, "Konte." Nanginginig pa rin siya.

Halos masakal na niya ako kasi nasa likod ko siya at nakakapit lang siya sa leeg ko. Pero okay lang sakin. I held on to both his arms also para somehow mafeel niya talaga na di kami magkakahiwalay dito sa dagat.

"Kawawa naman Richard ko. Sorry talaga ha." Hindi ko naman kasi talaga sinasadya. "Galit ka sakin?"

Hindi siya sumagot pero umiling lang. Eh nasa likod ko nga siya so tinanong ko ulit, "Hindi ko makita, galit ka po ba?" Malay ko ba kung nag nod pala siya diba.

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon