28.4

1.6K 82 3
                                    

7:30 kami nag dinner. Pero syempre since may kailangan ako asikasuhin in an hour, medyo eat and run ako. Nag paalam naman ako sa lahat.

"Sorry po talaga. Kailangan ko na po mauna eh. May tatapusin lang po." Nag paalam ako sa parents. Andun pa ang lahat sa table, kasi wala naman sila hinahabol at masarap pa ang usapan.

"Hay nako Menggay, bukas Christmas eve, bawal yan ha."

"Opo opo, kaya nga po tatapusin ko na lahat by tonight and tomorrow morning para by tomorrow night and Christmas day free na po ako."

"O sige iha. Tapusin mo na yan."

Akala mo naman sobrang layo ng pupuntahan ko. Actually lilipat lang naman ako ng table. Medyo maraming tao, pero nakahanap ako ng table sa may gilid, ayoko rin kasi maka disturb ng ibang taong nagbabakasyon.

Tinutulungan naman ako ni Kenneth pero syempre, hindi ko naman siya masisi Christmas time tsaka malayo nga ako. Mas gusto ko sana mag work sa room sa totoo lang, pero mas thankful pa rin naman ako na kahit papano may wifi sila at accessible 24 hours.

I set my laptop and everything sa table and started to work. Wow the last time I worked on a holiday was two years ago, new year's with Elmo. Grabe talaga, how time flies. It's crazy when you think about it. Sana matapos ko na 'to at makapag enjoy at relax na dito. Bakit kasi ngayon pa binigay 'to, pwede naman last week or two weeks ago, timing talaga oo.

Pero ayun na nga, nandito na 'to. Kaya mo 'to Meng.


RICHARD

Syempre, tinignan ko kung san lilipat si Meng. Alam ko naman na dito lang siya makakapag work kasi sa restaurant nga lang may wifi. Umupo siya sa isang table sa kabilang side ng room.

Unconsciously, I check on her from time to time. Ang hassle lang kasi medyo nasa may likod ko siya. So pasimple lang akong lumilingon. Napagod ang lahat sa byahe kaya bago pa mag 10pm, nag decide na ang lahat na umakyat at magpahinga tapos bahala na kung anong gagawin bukas.

Syempre, nagpaiwan ako. Ako pa ba?

"Pahinga na kami iho ha, ikaw nang bahala diyan. Lumalabas pagka workaholic eh."

"Wala yun tita, okay lang."

Nagpaalam na lahat isa isa at sabay sabay na ring umakyat.

"Uy, okay ka lang mag isa sa kwarto?" Tinanong ko si Riza bago siya umakyat.

"Ano ka ba kuya, safe naman ako dun sa loob ng kwarto, si ate Meng na yung bantayan mo dito."

Natawa na lang ako, sobrang love ni Riza si Meng. Actually, love siya ng buong pamilya ko. Ay hindi pala, love namin siyang lahat.

Kumokonte na lang rin mga tao sa restaurant kaya naisipan kong lumipat ng table nang mas malapit kay Meng. Siguro mga dalawang tables na lang pagitan namin. Pero na sa may likuran niya ako, ayoko siyang madistract sakin eh.

Ang creepy ko siguro tignan kasi pinapanood ko lang siya from a far. May sarili siyang mundo ngayon eh, malapit na rin mag 11. Tapos naisipan kong mag order ng kape for me and her.

Nung dumating yung coffee namin. Ako nag dala kay Meng nung para sakanya. Nung ilalapag ko na, medyo nagulat pa siya.

"Oh no, I didn't order any – oh." Nung nakita niya ako pala yun, ngumiti lang siya. "Thanks, Chard. O, bakit andito ka pa? Umakyat ka na rin, pahinga ka na sa taas. Huwag mo na ko isipin, okay lang naman ako dito."

"No no, don't worry about me. I want to do this for you and wala na kong magawa, nasa isip na kita eh."

Umiling lang siya pero nakangiti naman tapos inangat niya yung coffee, "Thank you ha."

"You're welcome." I took that as my cue and went back to my table. Puro laptop at cellphone lang siya. From time to time may tatawag o di kaya may tatawagan siya tapos laptop ulit.

Sobrang nakakatuwa siyang panuorin kasi this is a side of her that I've never seen before. Having this alone time also made me think about the past, what happened to us, what's happening now, Louise. Everything.

Kahit ako ngayon, I keep asking myself, what the hell was I thinking all those years. Just watching this woman in front of me. Sobrang swerte ko pa rin na wala pang nakakakuha sa gem na 'to. Kasi naman Richard, kayo naman talaga dapat ni Meng, nag inarte ka pa.

Second chance na lumalapit sakin papalampasin ko pa ba. I found myself stalking Meng's Facebook. All those years na wala ako sa life niya, hanggang dun sa nung kami pa. Sobrang tanga ko talaga na pinakawalan ko 'to. Nakita ko rin picture nila together nung ex niya, Elmo pala pangalan nun. Ano kayang nangyari sakanila? Wala naman kasi ako matanungan, pero parang ayoko na rin malaman. Labas naman ako dun. Tsaka parang masyado kong iniinvade privacy niya.

Then I started to stalk myself. Riza's words in my head. I was such a jerk kay Louise. Almost 8 years ko siyang ginamit, napaka gago ko. Kaya kung punishment ko ay ang tumandang mag isa, tapos may mahanap na si Meng na iba, tatanggapin ko.

I checked the time. Almost 1. I looked to her again. Parang di naman siya kumikibo. Nakatulog kaya 'to? Tumayo nako and decided to check on her kasi mukhang nakatulog na nga. When I was at arm's length. Nag ring phone niya bigla. Nagulat siya and reached for her phone.


MAINE

Phone ringing. Shet. Nakaiglip ako. Shoot, phone. "Hello? Mendoza."

"Maine. Okay ka lang? Nakita mo na ba yung sinend ko?"

"Ah, Kenneth. Nasend ko na kanina."

"Nag reply nako dun, check mo." I checked oo nga, ganun na ba ako katagal nakatulog. "Sorry, oo nga, ngayon ko lang nakita, reply ako agad ha."

"Okay ka lang ba? Pahinga ka na kaya, tuloy na lang natin 'to bukas."

"Okay lang ako, kaya pa naman. Alam mo naman kailangan matapos ko na 'to kasi dnd nako hanggang 26. Magtatampo magulang ko."

Pag tapos naming mag usap, back to work na ulit, tsaka may kailangan nanaman akong tawagan nang mga 1:30am, taga abroad kasi 'tong client kaya iba iba yung oras.


RICHARD

Bumalik nako sa upuan ko ulit. Inaantok na rin ako pero itong si Meng nga na may trabaho walang reklamo eh. Close talaga sila ni Kenneth. Sabagay same silang lawyers, baka sakanilang dalawa binigay yung work. Thankful ako kay Kenneth kasi he's the one who's always been there for her. Ako dapat yun pero yun na nga. Kaya ata ako nagseselos sakanya. Ang labo eh, kung iisipin mo sakanya ako pinakadapat hindi mag selos pero sakanya talaga ako pinaka nagseselos. Ewan ko ba. I busied myself again, games, facebook.

2:30am. Sinilip ko ulit siya. Parang naka lean back lang si Meng sa upuan niya. Walang kibo. Binigyan ko 5 minutes kasi baka mamaya may tumawag nanaman eh.

Parang nakatulog na nga 'to. Lumapit nako. Tulog na nga. Hay, my workaholic. I closed her laptop and grabbed everything, her phone, notebook and pen.

"Meng? Tara, akyat na tayo." I held out my hand to her.

She opened her eyes, looked at me and the table then just yawned. Sobrang pagod na nga ata siya kasi walang reklamo tumayo lang siya and grabbed my hand.

Tapos maya maya nakakapit na siya sa arm ko. Mas sweet talaga siya pag inaantok or kung may sakit.

Inalalayan ko siya hanggang room. Pag pasok, tumabi lang siya kay Riza tapos tulog na. Nilapag ko lang mga gamit niya sa may table tapos pumwesto na rin pero kinumutan ko na rin siya bago pinatay yung mga ilaw, tapos matutulog na.

I tried to stop myself from kissing her forehead pero bahala na. So I did.

Not sure if imagination ko lang yun pero she smiled...

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon