28.1

1.5K 69 1
                                    

23 December 2018

MAINE

Madaling araw pa lang, ginigising nako nila mommy.

Anong meron. Bakit. Ang aga aga pa po. Pasko na ba? Parang umuulan pa, shet, sarap pang matulog.

3:25am. You have got to be kidding me. I didn't move. I stood my ground and hid under my blanket.

"Menggay, gising na. Padating na sila."

Wala akong naririnig masyado pakong antok. I think I was only half awake. Para akong zombie.

"Menggay! Sa kotse ka na matulog. Ito naman, hindi ka na bata."

Hindi na nga ako bata pero bawal na bang matulog ang matanda?

Swear maiyak iyak ako sa inis.

"Menggay, sige na. Dun ka na sa kotse matulog, dalhin mo na pati kumot mo." Mommy naman eh.

"Pwede po ba dalhin pati kama ko?"

"Gaga ka talaga. Sige na. Dalhin mo kumot pati unan sa kotse, dun ka na mahiga."

Sobrang antok ko, nagpababy pako. "Pakarga ako kay daddy please." Nasa ilalim pa rin ako ng kumot ko at nakayakap sa unan. Wala talaga akong balak gumalaw. Nakatulog nga ata ako ulit. Hay salamat wala nang gumugulo sakin.

Nagising na lang ako next kasi may kumakarga sakin. What? Ang lakas naman ni Daddy? Aww kinarga niya nga ako. Wala pa rin akong balak magising, nakapikit lang mata ko at nakayakap sa unan.

Tapos hiniga nako ni daddy, sa likod. Solo ko yung upuan sa likod. Nung hiniga niya nako sa likod, nahanap ko rin agad pwesto ko. Nasa ilalim pa rin ako ng kumot. Sleep, at last I can sleep in peace.

RICHARD

Parang bata. Hindi talaga siya bumangon. Tinawag na nga ako ni tita at sabing kargahin ko daw si Meng pasakay ng kotse. Nung una hindi ko nagets yung inuutos niya sakin kasi paano? Hanggang sa ayun na nga, pag akyat ko ayun nasa ilalim ng kumot yung bata at mukhang nakayakap pa sa unan.

Sobrang antok siguro nito kasi karga karga ko na siya, wala akong narinig ni isang imik galing sakanya, nagpakarga rin. Parang baby lang. Baby ko.

Hanggang sa nasakay ko na siya sa kotse at hiniga na dun sa likod. Wala talaga, tulog lang pa rin siya. Pero bago ko sinara yung pinto, sigurado ako sa narinig ko, "Love you, dad."

Akala niya talaga si tito nag karga sakanya at sinakay sa kotse? Iba rin talaga 'tong taong 'to. Pero kung kiligin ako kala mo para sakin yung love you niya. Well technically naman, nag love you siya sa taong kumarga sakanya, which is ako yun. So valid yung kilig ko.

Nung sinara ko na yung pinto, inabot sakin ni tita cellphone niya kasi sigurado daw siya na yun ang unang hahanapin ni Menggay pag gising. Tapos sabihin ko rin daw na yung maleta niya ay nasa likod lang rin.

May roadtrip kasi kaming family. Naisipan ng parents mag roadtrip kami papuntang beach, mga 14 hours drive yung pupuntahan naming beach resort. Dalawang kotse rin dadalhin namin. Isang kotse para sa parents, tapos isang kotse samin nila Riza at Meng. Ako magdadrive.

Sabi alternate na lang daw kami ni Meng pag napagod ako pero mukhang malabong mangyari. Dun na kami mag spend ng Christmas eve at Christmas day mismo sa resort. I think if I remember it correctly, uuwi na rin kami ng lunch ng 26.

Nagpaalam na kami sa parents. Convoy kasi kami so ako yung susunod sakanila.

"Ready ka na kuya?"

"Yup. Tara."

"Parang pagod si Ate Meng?"

"Oo nga eh, hindi siguro nakatulog. Ikaw kung gusto mo matulog, okay lang ah."

MAINE

Nafifeel ko na yung araw, medyo nagiging bright na. Oh, nasa kotse ako? Ahh oo nga pala, kinarga ako ni daddy. Parang dream lang lahat pero the fact na nandito ako sa kotse ngayon, totoo siguro. Ganun ba ako kagaan?

Nasa ilalim pa rin ako ng kumot ko. Safe haven ko to eh, bakit ba. Anong oras na kaya? Shet time to bangon. Ano ba kasing meron, bakit ba kami bumabyahe ng ganito ka aga.

Okay, bangon nako. Upo nako maayos.

"Ma, dad?" I can barely open my eyes. But when I did.

Fuck! Richard? Riza? What the hell.. I looked at them back and forth.

"Good morning ate!"

Nakasmile lang si Richard, nakashades pa. Pero kitang kita ko yung dimples niya sa rear view mirror. Ang laki ng ngiti ni gago.

"Hi Riza. Sorry ah. Anong meron? San tayo pupunta?"

"Hindi ba nasabi sayo? Or nakalimutan mo na ate? May pupuntahan tayong beach resort for Christmas!" Sobrang excited siya while I am just confused.

"Christmas? Anong date na ba ngayon? 23 pa lang right?"

"Yup, 23 pa lang. Pero malayo kasi yung byahe eh, 14 hours kaya maaga tayo umalis."

"Ah okay." Nag iisip lang ako. May importante akong gagawin ng 23 eh. Shit! Anong oras na? 10:13am. Shit!

"Yung cellphone ko?"

Inabot lang ni Richard. "Sabi nga ni tita, yan daw una mong hahanapin."

"Thanks."

Right away I dialed my client. This is one of the firm's biggest clients, binigay lang sakin over the weekend, kaya ako kulang sa tulog the past two nights. Shit. I cleared my throat kasi ayoko naman mahalata na kakagising ko lang. Tangina, 10am pa dapat ako tumawag.

"Hello. Yes! This is Mendoza. Yes. Mendoza speaking."

RICHARD

Iba rin pagka workaholic nito, Sunday na Sunday at 2 days before Christmas pa. Ako nga doctor nakahanap ng pwedeng magcover sakin eh. Pero hindi, pinapanood ko lang siya sa rear view mirror, parang stressed na stressed nga siya. Tapos first time ko siya makitang ganito. Lagi naman kasi pag nandito siya bakasyon lang. Or baka di ko lang alam. Wala ka naman talagang alam Richard.

Tinitignan lang ako ni Riza, gets ko na yung sinasabi niya, tingin pa lang.

Binulungan ko lang siya ng, "Bayaan mo na." tapos ngumiti ako sakanya.

So tahimik lang kami, habang nag business call yung isa sa likod. Totoo pala yung 'lawyer voice'. Kala ko joke lang kasi sa movies at TV shows lang yun eh. Turn on lawyer voice ni Meng ah. Richard, umayos ka. Pinapakinggan ko lang siya kahit di ko naiintindihan pinaguusapan nila. English words naman pero ang daming lawyer terms. Basta English lang, baka foreigner kausap niya, tapos nakakaintindi ng tagalog.

Siguro mga 30 – 40 minutes silang magkausap. Tapos pagkababa niya sa phone, laptop naman hinahanap.

"Chard, may inabot ba sila mommy na laptop?" Napangiti ako sa Chard nanaman, pero masyadong seryoso to si Meng ngayon eh, wala pa sa mood makipaglokohan kaya hindi ko na muna hiniritan.

"Wala eh. Baka nasa likod kasama ng mga gamit mo?"

"Ah okay. Thanks."

Tapos tahimik lang siya sa likod. Nasa phone lang siya. Tumingin ulit si Riza sakin tapos I just signaled that everything was okay.

Kanina pako nakaw ng nakaw ng tingin kay Meng sa mirror. Kahit nakashades ako at alam kong di niya kita mga mata ko, feeling ko lang mahuhuli niya pa rin ako.

From time to time, inaalis niya tingin niya sa phone niya tapos titingin lang siya sa malayo. Parang nag iisip. Sobrang importante siguro nito at hindi niya pwedeng asikasuhin na lang pag balik niya.

--------------------------------------------------------------------------------------------

To be continued...

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon