33.3

1.4K 73 1
                                    

MAINE

I felt right away something was up sa itsura pa lang ni Richard eh. I swear nagungusap dimple nun.

"O, anong meron?"

"Si Louise kasi lasing eh. Ikaw daw hinahanap. Pero ako nang bahala, huwag mo na isipin."

"Bakit ikaw? Eh ako nga hinahanap niya?"

"Meng, baka masira lang gabi mo. Sa ibang araw na lang kayo mag usap."

"Ano ba yun. Matatanda na tayo siguro naman kaya naming mag usap ng maayos."

"Hindi naman sa ganun, pero lasing na daw kasi siya eh."

"Asan siya?"

"Meng." Ano bang winoworry niya, maguusap lang naman. Ano namang akala niya magkakagulo?

"Chard. Dito ka lang. Babalik ako promise."

"Hindi. Samahan na kita."

"Huwag na." Tapos tumingin ako kay Kenneth. "Si Kenneth na lang sasama sakin. Tara Kenneth." Halos hilahin ko si Kenneth para sumama sakin.

Alam kong aangal pa 'tong isa kaya inunahan ko na, "Huwag ka na makulit, we'll be right back. I'm okay I promise. We'll be fine."

When we found Louise, I didn't expect her to be that drunk. Pero hindi pa naman siya yung sumisigaw or scandalous as Richard would call it.

"Maine, gusto mo sa kotse na lang kayo mag usap sa labas? Kasi parang mahirap na eh." Tangina Kenneth, ang galing mo talaga kaya talaga ikaw pinili kong isama eh.

"Yeah, good idea."

Busy naman yung mga tao, so with the help of Kenneth, natakas namin si Louise palabas and dun nga kami sa kotse ni Kenneth dumerecho. Dalawa kami ni Louise nasa likod, tapos si Kenneth nasa may driver's. Parang nagpapaalam siya kung kailangan ba niyang umalis or what. But I shook my head, I wanted him to stay. I needed him there. So he did. Quiet lang siya nakaupo sa harap. A little while later, nag salita na si Louise.

"Meng? Sorry ha, okay lang ba Meng ang itawag ko sayo, kasi parang pansin ko family mo lang and ni Richard and syempre si Richard lang ang mga tumatawag sayo nun eh."

"Okay lang."

"Meng." Tapos tumatawa lang siya. Lasing na lasing. "Sorry ha. Wala naman akong gagawin sayo eh, usap lang naman."

"I know."

"Mahal mo ba si Richard?" Tapos bigla after niyang tumawa tawa, malungkot naman siya ngayon. "Kasi ako oo eh. Sobra sobra. Hindi kasi siya mahirap mahalin eh. Alam mo yun."

She looked at me but all I did was nod, I didn't want to talk and just let her keep going.

"Tapos nakakainis ka pa kasi kahit anong pilit ko na dapat galit ako sayo, hindi ko kaya. Kahit anong imbento ko na inagaw mo siya sakin para lang maconvince ko sarili ko na magalit, wala eh. Nag imbento na rin ako nang kung ano anong stories, wala, pano mo nagagawa yun? Kung tutuusin, dapat ikaw nga 'tong galit sakin eh."

To be honest, it's cause I see myself in her. I remember how much of a wreck I was before, so who was I to judge another hurting person like me.

"Bago pa lang maging kami ni Richard, alam ko na yung pinasok ko, lahat naman ng tao alam yung nangyari sainyo at yung pinagsamahan niyo. "

Tapos tumatawa nanaman siya. "Yun nga ata pinaka mali ko eh. I tried to be you. I tried to replace you when we all knew I couldn't. Dapat minahal ko lang siya the way I know how. 8 years yun o, tanginang yan. Wala basura lahat, wala pa ring laban sayo. Tapos yung reunion na 'to pa. Sobrang ang sama nung timing ng lahat para samin. Parang ni relive love story niyo eh. Alam mo yung parang sampal pa sa mukha ko na kayo naman talaga dapat ni Richard."

The (not so) Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon