Fanservice 204.

313 3 0
                                    

To : Argine Blaise
From : Ace Wolfgang


[ Short FS ] Unknownasdfghjklgwapoko.

Umuulan ngayon at wala na yung mga katropa ko ng makita kita sa gilid ng poste habang naghihintay sa trycicle na nagmumukhang basang sisiw. Nilapitan kita para payungan kasi naawa ako sayo, pinayungan kita at ramdam ko ang iyong pagkagulat. Maya - maya dumating na ang trycicle kaya sumakay na tayo. Katahimikan lang ang nangingibabaw sa sasakyan kasabay ng tunog ng pagpatak ng mga ulan. Nakapunta na rin tayo sa ating paroroonan. Nagulat ako ng hinawakan mo ako at sinabing.

" Kuya, ako na po ang mag - babayad sa inyong pamasahe. Ito po ay pasasalamat na rin sa pagpayong niyo sa akin kanina." - Sabi mo sa akin.

" Maraming salamat miss. " - sagot ko.

Hinayaan ko nalang na ako ay ilibre mo pero hindi ibig sabihin nito ay humihingi ako ng kabayaran sa aking ginawa kanina. Natapos mo ng bayaran si manong.

" Miss, saan ang bahay mo ?." - sabi ko.

Walang pag - aalinlangan na sinagot mo ang aking tanong.

" Doon po malapit sa kanto." - ikaw

" Ihahatid nalang kita para hindi ka tuluyang mabasa." - Sabi ko

At ganun nga ang ginawa ko, hinatid kita sa iyong bahay.

" Maraming salamat po. " - Nakangiting sinabi mo sa akin at may bigla kang binigay na kung ano. Binuksan ko ito ng ako ay makauwi at nakita ang isang liham.

Dear Kuya,

Maraming pagkakataon na gusto kitang makasama at nagpapasalamat ako na sa huling pagkakataon ng aking buhay ay nangyari iyun. :)

Nagmamahal,
Your Unknown.

Ilang araw ang nakalipas at nabalitaan kong ang pag - sabay ko sa iyo ay ang una at huling mangyayari sa buhay ko.

Rpw : Fanservices Book 2Where stories live. Discover now