KI EL'S FANSERVICE
[ FS: Naka Move On Act ]
Naranasan mo na bang mafall sa kaibigan mo na may mahal ng iba? Kung hindi, mag iingat ka, at hangga't makakaya mo, iwasan mo. At kung Oo naman, pareho pala tayo. Ang sakit nu? Yung tipong heart break lang pero pinaparalisa ng sakit ang buong katawan mo.
•••
"Sila na pala,"
Malungkot akong napayuko sa study table ko. Ginagawa ko na naman ang usual routine ko bago matulog, stalking Caden my lovelife... friend pala.
Kaibigan ko si Caden pero mahal ko sya ng sobra pa sa pagkakaiban. Cliché diba? Pero anong magagawa ko? Yun ang nararamdaman ko eh, kusa nalang tumibok ang puso ko sa kanya. Pero ang masakit dun, hindi nya ako kayang mahalin ng higit pa sa pagkakaibigan, dahil may mahal na syang iba.
Dalawang taon na kaming magkaibigan, at mula ng maging magkaibigan kami ay nagustuhan ko na sya, hanggang sa tuluyan ko na syang minahal. Pero habang minamahal ko sya, minamahal nya rin sya. Isang taon nya nang nililigawan si Tracy at ngayon, sinagot na nga sya. Sila ng dalawa. Wala ng lugar ang katulad ko sa buhay nya.
Napabangon ako nang tumunog ang chat notification ni facebook, nagchat sya sakin. Nanginginig ang kamay kong binuksan iyon. Pinunasan ko rin ang pisngi kong basang basa na pala ng mga luha.
Habang binabasa ko ang chat nya sakin, mas lalong kumirot ang dibdib ko. Kung sana ako lang ang nagpapasaya sayo ng ganyan Caden, kung sana ako nalang ang minahal mo.
Aerie: Congrats hehe
Nag offline na ako kagad at pinatay ang computer. Humiga ako sa kama ko at nag-ub ob sa unan, umiiyak. Ang swerte ni Tracy, kasi mahal sya ng taong mahal ko. Nasa kanya ang taong pinapangarap ko.
Lumipas ang dalawang buwan, iniwasan ko si Caden sa loob ng dalawang buwan na yun, pero alam kong hindi naman nya nahahalata, busy naman sya sa girlfriend nya. Limot nya na ako. At sa loob din ng dalawang buwan na yun ay sinikap kong baguhin ang nararamdaman ko, at sa awa ng Diyos, kahit papaano umuusad na rin ako. Nakahanap rin ako ng ibang mga kaibigan na katulad kong babae, narealize ko rin kasing kaya siguro sobra kong minahal si Caden ay dahil dependent ako sa kanya. Sya lang kasi ang kaibigan ko, cause I'm an introvert, I don't really like mingling to other people, but now I'm changing, for the better.
Not until...
"Yo Aerie," bati nya sa akin pagkalabas ko ng gate namin.
As usual, naka leather jacket sya kahit na ang init init dito sa bansa at naka black na skinny jeans. May subo subo rin syang sigarilyo. Ano kayang problema nya? Knowing Caden, naninigarilyo lang naman sya kapag may problema.
"Can we talk Aerie?" Tinitigan ko muna sya ng ilang segundo bago alanganing tumango.
Dinala nya ako sa park kung saan palagi kaming tumatambay. Umupo ako sa swing at umupo rin sya sa isa pang bakanteng swing sa tabi ko. Dinuyan ko ang sarili ko habang hinihintay ko syang magsalita.
"We broke up..." Sabi nya pagkalipas ng ilang sandali. Tahimik lang ako, hindi ako umimik. Dinuduyan ko lang ang sarili ko.
"I've tried, I loved her, but I just can't keep up with her whims. We have different beliefs and personality. We were always fighting, we were always contradicting each other. But still, I tried to understand her but I.. I fell out of love in the process." Bumuntong hininga sya. "So, I ended up breaking up with her."
Huminga ako ng malalim, hindi ko alam na pagkatapos ng dalawang buwan naming hindi pagkikita ay ganito pa ang magiging dahilan ng pagpunta nya sa akin. Hindi ako nagdadamdam o kung anu pa man pero hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanya.
"Ang babaw mo Caden, ng dahil lang sa hindi kayo magkasundo ay nawala na ang pagmamahal mo sa kanya? Hindi ba't sya ang pinapangarap mo? Isang taon mo syang niligawan at minahal. Pero ng dahil lang sa simpleng bagay na hindi pagkakaintindihan ay binitawan mo ang pagmamahal mo sa kanya?" Sabi ko, hindi dahil sa naaapektuhan pa rin ako sa kanya pero dahil nasasayangan ako sa kanya, sa kanila.
Kasama ako ni Caden nung mga panahon na bumubuo sya ng pangarap pa sa kanilang dalawa. At kahit na nasasaktan ako noon ay naging masaya ako para sa kanya. Pero ng dahil lang sa simpleng bagay na hindi pagkakaintindihan ay nawala ang nararamdaman nya, para sakin ay sobrang babaw ng dahilan na iyon.
"You don't understand Aerie–"
"I understant it Caden, I'm not stupid. You easily let go of your feelings just because of a shallow reason. Napaka babaw mo. Kung alam ko lang na ganyan lang pala kababaw ang pagmamahal mo sa kanya, sana pinaglaban na kita noon pa." Tumayo ako at pumunta sa harapan mo.
"W-what are you talking about?"
"Minahal kita Caden, I was secretly inlove with you for two years, but I chose to kept my feelings to myself because I thought you love her so much, I thought your love for her is too deep, that I can never dive it. But fuck, sayang ang effort kong pagtatago ng feelings ko sayo. Napakababaw mo naman palang magmahal." Inis kong bulyaw sa kanya.
I'm not doing this because I haven't move on yet, I've moved on already. Wala na sakin ang lahat, sinasabi ko lang sa kanya to para atleast aware sya sa lahat, kasama na dun ang nararamdaman ko dati at para na rin malaman nya kung gaano sya kababaw.
"Are you confessing to me?" Nanlalaki ang mga matang tanong nya sakin.
"Tsk, No. I'm not confessing to you, I'm just opening your eyes to see relevant things, Caden totoo minahal kita noon, at kung alam ko lang na ganito lang pala kadali ang lahat para sayo, sana nag effort ako. Sayang mga luha ko sayo ah. Pero wala na, naka move on na ako. Pero naiinis pa rin ako sayo, tssk! But still I want you to be happy." Ngiti ko sa kanya.
Nagulat nalang ako nang bigla nya akong niyakap. "I'm sorry, I had no idea,.."
Tinapik ko ang likod nya at tumawa. "Ano kaba, wala na yun. Friends?"
"Friends."
•••
Oo masakit ngang mafall sa kaibigan mo, pero sa oras na makapag move on kana. Tatawanan mo nalang ang lahat at masasabing ang tapang mo pala. Masarap magmahal pero mas masarap yung pakiramdam na nakamove on kana sa pagmamahal na kahit kelan ay hindi mo makukuha.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
AcakPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...