To : Renielle Kie Smith
From : Cider BD
""hmmm"~" ungol ko sabay himas sa ulo. Tangna! Napasobra ata ako ng inom. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko. ""huh?!"" nagulat ako ng mapansin kong wala ako sa kwarto ko. Teka asan ak-- "ughmmm"" gumalaw ka at humarap sa direksyon ko. Nakapikit parin ang mga mata mo at nakalabas na rin ang balat mong kanina'y balot ng kumot. Sa pagtitig ko sayo, bumalik sa aking ala-ala mga nangyari kagabi.
Dahil sobrang boring kahapon, pumunta akong bar para magpalipas ng oras. Pagkarating ko sa counter ay agad akong umorder ng maiinom. Di pa nagtagal ay may babaeng tumabi sa akin pero di nya ako pinansin. Umorder ka agad ng pinakamatapang na alak. Nilagok mo ito at umorder ng isa pa. ganun ka lang, inom, order, inom, order, tae yan! Bat di pa kumuha ng isang case ''to para matapos na? sarap sanang isuggest yun kaso dahil mabait ako, di ko ginawa haha pero kasi mukhang may problema ka ata. Kaya naglakas loob akong lumapit ng husto sayo ""miss, mag isa ka lang ba?" tinignan mo ko ng masama. Kumuyom ang panga, at humigpit ang hawak sa baso. ""mag isa? Hahaha oo mag isa ako. Mag isa na ako kasi pinagpalit nya ako sa putanginang yun! Ano masaya ka na?! masaya ka na nasasaktan ako?! Masaya ka ba na mag isa na ako ngayon? Huh?!!!""" sabay lagok mo ulit ng alak. Ok? Wrong move ata? Puta! Mali nga yung tanong ko! Pero ano ba kasi dapat? Shet yan! Patuloy ka lang sa pag inom hanggang sa napapansin kong parang natatamaan ka na ng alak. Saglit kang natulala at yumuko na sabay humagulgol. Sinubukan kong patahanin ka pero patuloy ka parin sa pag iyak. ""miss tama na. tumahan ka na"" pagkukumbinsi ko at di ko inaasahang bigla mo nalang akong niyakap. Hindi lang yun, hinalikan mo pa ako sa...labi...sa labi...sa labi.....ang init ng labi mo...ang tamis...ang sarap. Tumigil ka saglit at tumingin sa mata ko. Hindi ako makagalaw, tangna! Ambakla man pero nalasing ako sa halik mo. Hinawakan mo ang pisngi ko sabay sabing, ""make love with me"". Nanlamig ako sa sinabi mo. Hinintay kong sasabihin mong joke lang or baka naman nag iilusyon lang ako. Pero kitang kita ko sa mga mata mo ang lungkot, sakit, at pangungulila. Hindi ko alam kung tama ba to, kung tama bang sumangayon ako sa gusto mo. Gusto kitang tulungan kaso di pa kita kilala, gusto kong pasayahin ka kahit na di ko alam kung sino ka, hindi na ako magpapaka ipokrito, pero gusto kong subukan ang nais mo. May parte saken na nagsasabing pagbigyan ka kasi benepisyo ko din naman yun. Kantutan yun aba! Pero may parte saken na nagsasabing mali kasi kelangang irespeto kita. Ewan ko, nasisiraan na ata ako o epekto lang ng alak na ininom ko? Ah! Tngna yan! Tumayo ka bigla at hinila ako. Nagpatianod ako sa paghila mo, pumara ka ng taxi, sumakay ka, ganun din ako. Bumaba tayo sa isang building, peste! Di ko pa napansin na condo pala to at mukhang dito ko nakatira. Pagkapasok natin sa unit mo ay agad mo kong sinunggaban ng halik. Walang katupusang halikan hanggang sa parehas na tayong nakahubad sa ibabaw ng kama mo. Di ko na alam kung pano tayo nakarating sa kwarto mo at kung sa paanong paraan nawala lahat ng saplot natin sa katawan. Heto ako, nakapaibabaw sayo, hinahaplos ang katawan mo habang nakikipag espadahan sa dila mo, nagpapalitan ng laway, sumasabay sa init ng katawan. Bumababa ang halik ko sayo hanggang sa makarating ang mga labi ko sa puson mo. May narinig akong humikbi, akala ko guni guni ko lang yun pero nagulat ako nung tinignan kita at basa nang luha ang pisngi mo. Umiiyak ka, ako naman nabato ng ilang saglit sa posisyon ko. Umupo ako at sinubukang tanungin ka kung anong problema pero kusa ng ikaw ang nagsalita, ""babe..please.. please..bumalik ka na saken..please. mahal na mahal kita. sobrang mahal kita. bumalik ka na saken."" Dahil dun, nanlambot ako. Ang gago ko! Taragis yan! Kinuha ko na ang mga damit ko at nagbihis. Kukunin ko na sana yung cellphone ko malapit sa bedside table mo ng bigla mong hilaan ang kamay ko at yakapin ito ng nakapikit ang mga mata. ""please...wag mo kong iwan." Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko. Puta naman, ano ba to? Di ko na namamalayan, tumabi na ulit ako sayo. inayos ang pagkakahiga mo, kinumutan ka, at hinayaang makutulog ng payapa.
Hinaplos ko ang buhok mo habang tinitignan ka. yun pala yung nangyari. Tss. Ang gago ko na pagsamantalahan ka, pero mas gago sya kasi iniwan ka nya. Simula ngayon, ako na ang mag aalaga sayo. ang bubuo ulit sa pagkakawasak mo.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
De TodoPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...