To : Lioness Nadine Alexis Reid
From : Sage Permitivo
Pumunta akong mall para bilhan ka ng necklace dahil anniversary natin ngayon at gusto kitang isurprise. Sinabi ko din sayo na hindi ako makakapunta sa inyo dahil may gagawin ako pero ang hindi mo alam biro ko lang yon. Pwede ba namang hindi tayo magkita sa special day natin? Tinignan yung necklace na hawak ko, agad akong napangiti. Panigurado matutuwa ka sa gift ko sayo. Papunta na ako sa bahay niyo, makalipas ang isang oras nakarating na din ako. Nag door bell ako at agad kang lumabas. Nagulat ka nung nakita mo akong nasa labas ng gate at agad kang napatakbo para pagbuksan ako. Agad kitang nginitian at niyakap ng mahigpit sabay nagsalita. "Akala mo talaga hindi ako makakapunta no? Namiss kita baby." Kumalas ka sa pagkakayakap ko sayo at sinuntok mo ako ng mahina sa tyan. "Epal mo talaga. Seryoso psh." Tumalikod ka sakin at tinawanan kita. Niyakap kita mula sa likod mo. Agad mong kinuha yung necklace sa bulsa ko ng hindi mo alam. Nagsalita muna ako bago isuot sayo yung necklace. "Wait lang. Wag kang malikot okay?" Nag tanong ka kung bakit pero hindi ko nalang pinansin at sinuot ko na yung necklace sayo. Nung natapos ko ng isuot sayo, agad kitang pinaharap sakin. "Yan bagay pala sayo eh. I love you baby. Happy 1st Anniversary satin. Yan yung dahilan kung bakit sinabi kong hindi ako makakapunta dito. Diba nitong nakaraan masyado na akong busy pero ngayon babawi ako. Magdadate tayong dalawa. Happy anniversary ulit. Mahal na mahal kita. I believe magtatagal tayo. Subukan lang nilang agawin ka sakin, mabubugbog ko sila ng wala sa oras." Pagbabanta ko. Napansin kong maiiyak ka kaya agad kong pinunasan yung luha mo at nagsalita ako ulit. "Ssh. I love you sobra. Tahan na." Hinalikan ko yung forehead mo agad mo akong niyakap ng sobrang higpit at nagsalita ka. "Napaka mo ang hilig mo akong isurprise ng ganito. Kaya mahal na mahal kita eh. I love you so much boyfriend ko. Sayo lang ako. I love you ulit. Happy 1st anniversary satin." Tinitigan kita sa mga mata mo. Hinalikan ko yung forehead mo at nginitian ka. "Sige na mag bihis kana. Diba may date pa tayo? Icecelebrate natin yung anniversary natin ng magkasama." Tumango ka at nginitian ako. Pinapasok mo muna ako sa loob ng bahay niyo para hintayin ka don. Ang sarap sa pakiramdam na hindi nasayang yung effort ko. Sobrang blessed amo dahil nakilala ko yung babaeng katulad mo. Happy anniversary ulit satin.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
RandomPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...