FANSERVICE 324.

26 0 0
                                    

JAX PIERRE'S 

"Naniniwala ako"
Kapag mahal ko ang isang tao,naniniwala ako sa kanya
Kapag mahal ko ang isang tao,ginagawa ko lahat ng sinasabi nya
Kapag mahal ko ang isang tao,sya lang ang gugustuhin kong makasama
At kapag sinabing mahal ko ang isang tao,ibig sabihin no'n sya lang ang mahal ko at walang iba

Pero minsan,masakit din pala maniwala sa taong gusto mo
Masakit dahil sabi nya ako lang ang gusto
Masakit dahil naniwala ako sa kanya ng husto
Naniwala nga naman ako kaso mali pala ang paniniwala ko

Sinabi kong mahal kita kaya ayun ginawa ko lahat ng sinasabi mo
Kahit na alam kong nagpapakatanga na lang ako
Nagpapakatanga dahil sinabi ko ang salitang "Mahal kita!" sa'yo
Nagpapakatanga dahil kahit ginawa ko na nga ang lahat para sa'yo,ayun ka patuloy pa rin ang pambabalewala mo

Sinabi kong mahal kita kaya ginusto kong makasama ka
Pero ang problema nga lang mas pinili mo ang sumama sa iba
Sumama ka sa iba kahit na alam mong ako'y nandito pa
Oo na,alam ko naman na sa ating dalawa ako lang ang nagpapahalaga

At dahil nga sinabi kong mahal kita,kaya ikaw lang ang ginusto ko
Dapat pala hindi ko sinabing mahal kita para hindi na sa'yo umiikot ang aking mundo
Yun na nga ang problema,lahat na ng sa akin na sa'yo
Paano pa ako?Wala ng natira sakin,oo wala ng natira sakin dahil binigay ko sa'yo lahat ng husto

Mahal naman kita,pero sana maramdaman mo rin ang nararamdaman ko
Mahal naman kita,kaya sana kapag nasasaktan ako alam mo
Mahal naman kita kaya sana kapag nalulungkot ako damayan mo ako
At mahal pa rin kita oo mahal na mahal,pero hanggang dito na lang 'to

Gusto ko ng kalimutan ang salitang "tayo"
Gusto ko ng kalimutan na naniwala ako sa'yo
Gusto ko ng kalimutan ang bawat salita mo
Dahil alam ko,sa pagdating ng panahon,masasabi ko na lang sa sarili ko na ang tanga ko pala dahil pumatol ako sa'yo

-lame sorry na

Rpw : Fanservices Book 2Where stories live. Discover now