To : Mattea Hanahaki
From : Asher Vanfer
Break up •Papunta ako ngayon sa bahay mo dahil sobrang namimiss na kita. Nakakatuwang isipin kasi hindi nagbabago ang turingan natin. Nang makarating ako sa bahay niyo ay kumatok ako, wala namang tao sa bahay niyo kaya pumasok na ako. Hindi ko alam pero malakas ang kabog ng dibdib ko. Inikot ko ang bahay mo dahil walang nasagot. Pumunta ako sa kusina niyo at nakita kayo nung baklang sinabi mo sakin nung nakaraang araw na sinabi mong kaibigan mong naghahalikan. Binagsak ko ang hawak kong bulaklak. Sabay kayo napatingin sakin, halata sa mga mukha niyo ang gulat. Agad akong lumapit at sinuntok ung lalaking kasama mo. Tsaka na lumabas ng bahay, hinabol moko at nagmamakaawa ka. Sinabi mong magpapaliwanag ka kaya, pinakinggan ko ung paliwanag mo. "A-asher i-im sorry. Hindi ko sinasadya" Bahagya kapang lumuhod. Gusto kitang sigawan, gusto kitang sabihan ng masasamang salita pero hindi ko kaya kasi mahal kita. Tinayo kita at ngumiti sayo. "Malaya kana mattea. Tigil na natin to. Ayokong lokohin ang sarili ko na papatawarin kita pero hindi pala, ayokng lokohin ka. Salamat dahil sa maikling panahon nakilala kita, napasaya mo ako." Nginitian kita. "Maging masaya ka mattea" Iniwan kita na kita at pumasok na sa kotse. Nagmaneho ako ng mabilis at huminto sa isang bakanteng lote. Binuhos ko ang galit at sakit sa pader na kaharap ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Umupo ako sa isang tabi at natulala.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
RandomPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...