To : Venice Sinclair
From : Casper Gray
'm Casper Grày of Boyfriend Inc. At your service.
[] FS; Conservative Boyfriend"Magbihis ka, aalis tayo". Tinigil mo yung ginagawa mo at umakyat sa kwarto mo, pagkababa mo, naka-shorts ka at manipis na t-shirt. "Oh tara na." sabi mo sa akin. "Saglet." sabi ko at napahinto ka sa paglalakad mo bago maka-labas. "Ano? bakit ka naka-short? gusto mo bang pinagpe-pyestahan yang mga binti mo? Hindi 'yan pwede, ako lang dapat nakakakita niyan. At yung t-shirt mo, tignan mo, nakikita na yung kulay ng bra mo. Gusto mo talaga yung sinisipulan ka e no? Magpalit ka." sinimangutan mo ko at umakyat ka ulit sa kwarto mo. Pagkababa mo, naka-sando ka at nakapantalon at kung ano-ano pang koloreta sa muka. "Oh eto? okay na?" tanong mo sa akin at tinignan kita mula ulo hanggang paa. "Hindi pa din. Sinabi ko bang mag-sando ka? tyaka tanggalin mo yung koloreta mo diyan sa muka mo, masyadong nakakakuha ng atensyon. Simplehan mo lang. Uupakan na kita e." sinamaan mo ko ng tingin dahil naiinip ka na at gusto nang umalis, umakyat ka ulit sa kwarto mo. Maya-maya ay, bumaba ka na at ikaw na nga ata ang depinisyon ng simple pero magandang babae. "Oh eto? Ano? Ayos na ba? Baka gusto mo, mag-jacket na ako? O kaya dapat may kumot na naka-balot sa akin?" inis mong tanong sa akin at binigyan ka ng kay tamis-tamis na ngiti. "Hindi na kailangan dahil okay na." inirapan mo lang ako at napatawa ako. Inalalayan kita palabas ng bahay niyo at naka-alis na tayo.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
SonstigesPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...