Fanservice 369.

16 0 0
                                    

To : Mattea Hanahaki

From : Theo Ward


"Swimming"
»possessive bestfriend act

–••–

"Best!!!!"
Agad mo akong sinalubong ng yakap nang makita mo akong paparating, pero imbes na yakapin kang pabalik ay nakasimangot na hinawakan kita sa magkabila mong balikat tapos at inilayo sa akin ng kunti.
Nakakunot noong pinasadahan ko ang suot mo.

"Ano ba naman yang suot mo ha matt? utong nalang ang natatakpan sa dibdib at bulbol nalang sa ibaba ah. tss."
natawa ka sa sinabi ko sabay pisil sa magkabila kong pisngi na tuwina ay nakagawian mo nang gawin.

"Bakit? im so sexy and hot kaya sa two piece na to, can't you see?"
Umikot ikot kapa sa harapan ko tapos ay nagsexy pose pa.
Nagkataong may napadaang tatlong kalalakihan at napasipol nang makita ka.
Hindi ako nakapagpigil at agad ko iyong tinakbo sabay sinapak sa nguso, tumba yong tinamaan, samantalang parang tuta namang nagsitakbuhan ang dalawa nitong kasama. mga walang kwenta, mga pekeng kaibigan, iniiwan ang kasama sa panahon ng bugbugan.
akma ko ulit susugurin yong lalaking nasapol ko sa nguso pero niyakap mo ako upang umawat.

"Theo! jusko. ang init na naman ng ulo mo.. kalma ka nga!" sabi mo sa akin na sobrang higpit ng yakap, samantalang iyong lalaki naman ay nanakbo narin. tss bahag naman pala ang buntot ng gago.

"Oh kayo diyan ano tinitingin tingin niyo ha? gusto niyo ding masapak?"
Sabi ko sa mga lalaking nakikiusyo sa naganap. saka kita binalingan at humarap sa iyo.

"Magbihis ka ng matino kung gusto mong kumalma ako, babae."
utos ko.

"Best naman eh! beach to enebe.."
nakasimangot mong sagot.

"Magbibihis ka o iiwan kita ditong mag isa? sige lang babae mamili ka. wag mo kong sinasagad ah." pinasingkit ko ang mga mata kaya sumusuko ka namang itinaas ang iyong dalawang kamay

"hmp! oo na po manong magbibihis na!"
saka ka tumakbo palayo upang magbihis
sa huli ay napilit kitang mag short na abot tuhod at maluwag na t-shirt para sa swimming.

Rpw : Fanservices Book 2Where stories live. Discover now