To : Lioness Nadine Alexis Reid
From : Sage Permitivo
May usapan tayo na lalabas tayong dalawa kaya tinext na kita para malaman kung nakaayos kana at susunduin nalang kita.
To : Bespren
Hoy babae. Okay kana ba? Pupunta na ako dyan sa inyo. Pasakay na ako ngayon ng jeep kailangan pag dating ko nakaayos kana. Ayokong naghihintay ako. Alam kong mabagal ka kumilos. Tss.
Agad kong sinend yung text ko sayo. After ilang minutes bigang nag vibrate phone ko kaya chineck ko kung ikaw yon.
(1 new message) inopen ko agad yung text mo. Tama ako ikaw nga yung nagtext.
From : Bespren
Kapal mo Sāge ah! Mabilis ako hindi ako mabagal. Oo tapos na ikaw nalang hinihintay ko. Paki sabi naman sa driver ng sinasakyan mo paki bilisan pag dadrive. Naghihintay yung maganda mong bestfriend dito.
Bigla akong natawa ng mahina dahil umandar nanaman pagkamahangin mo kaya ang nareply ko nalang sayo ay alright dahil tinatamad nadin akong mag phone. After ilang minutes nakarating na ako sa bahay niyo kaya bumaba na ako ng jeep at naglakad papunta sa gate ng bahaya niyo at nag doorbell. Dali daling lumabas ka ng bahay niyo at pinagbuksan ako ng gate. "Ano tara naba [/inserts your name;? Maglalakad lang tayo. Mas gusto kong maglakad kaysa sumakay. Eh ikaw ba? Sabihin mo lang kapag ayaw mong maglakad pag jejeep-in kita... Ng mag isa." Sabi ko habang nakangiti sayo ng malaki na parang nang aasar kaya naman kumunot yung noo mo. "Wala naman akong sinabing ayokong maglakad. Mas okay pa nga to kaysa mag jeep. Alam mo kasing ikaw taga bayad ko kaya ka ganyan." Pagsusungit mo sakin. Kinurot ko ng mahina yung ilong mo. "Buti alam mo. Tara na. Sabihin mo lang kapag napagod ka pasanin kita. Pag titiisan ko kahit mabigat kapa." Inirapan mo nalang ako naglakad kana mag isa at iniwan ako. Hindi ko napigilan yung tawa ko kasi pikon kana sakin. Ewan pero ang sarap mong asarin. Tumakbo ako palapit sayo tsaka kita inakbayan. "Oy. Sorry na. Bati mo ba ako?" Inirapan mo lang ako at hindi ka nagsalita kaya kinulit kita habang nag lalakad tayo. "O sige ganito. Ako na magbabayad ng kakainin mo wag kalang mainis. Okay naba?" Napatingin ka sakin. "Weh? Totoo ba yan?" Paninigurado mo pa sakin. Para namang nag jojoke ako. "Totoo nga. Sige na binabawi ko na ayaw mo ata eh." Napatigil ka sa paglalakad kaya napatigil din ako. "Wag! Sāge naman! Basta seryoso ka don hindi o na pwedeng bawiin!"pagdadabog mo at nag pout sa harapan ko. "Aish. Oo na ang ingay mo nasa daan tayo. Lika na dito sakay kana lang sa likod ko para mabilis tayo." Tinignan mo ako ng seryoso sa mga mata ko, hindi ka pa rin sumasakay. "Tagal aba." Tumalikod ako sayo at hinintay kang sumakay sa likod ko pero nagsalita ka muna. "Walang pahingahan to ah? Hindi mo ako maya't maya ibababa." Agad kang sumakay sa likod ko at hindi na ako hinintay na sumagot. Okay lang mahirapan ako, wag kalang mapagod. Tumuloy na tayo sa pupuntahan natin. Hindi naman siya gaanong kalayuan kaya okay lang kahit hindi kita ibaba. Pagdating natin sa mall, kumain muna tayo bago tayo mag ikot ikot. Kagaya nga ng sinabi ko, ako mag babayad ng kakainin mo. Ang weird lang ng nararamdaman ko dahil kapag kasama kita, parang hindi ako naboboring. Basta masaya lang. Wala akong naiisip na problema. Hays. Ang gulo. Inabot tayo ng gabi sa mall kaya naisipan na nating umuwi at hinatid na kita.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
RandomPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...