To : Kaliyah Beethoven
From : Magnanakaw Permitivo
-Magandang gabi sayo. Salamat sa pagpili saken. Sana ay magustuhan mo.-
Ilang araw makalipas ang nangyare satin.. Di ako makapaniwalang wala na tayo. Wala ng matatawag na tayo. Di kita makalimutan. Mahirap, masakit. Pero sinabe ko sa sarili ko na kakayanin ko to. Kase dalawa tayong nagdesisyon neto.
Nakita kita. Nakita ko yung babaeng mahal ko, mahal na mahal. Tinignan kita mula sa kinaroroonan ko. Pinagmamasdan ka kahit sa malayo. Nakita kong masaya ka na. At inisip ko, wala naman masama sa pakikipagkamustahan. Tinawag kita "Your name" nagulat ka nung nakita mo ko, di ko na lang pinansin yun.
Lumapit ka saken, Uy kamusta ka na? Sumagot ako ng ayos lang. Pero sa kalooban ko, gustong gusto kong yakapin ka. Sobrang namiss kita. Pero di ko magagawa. Di na. Niyaya kitang kumain. Pumayag ka naman. Pero nung kumakain na tayo, may tumawag sayo. Sinagot mo. At narinig kong sinabe mo, " I love you. " Naramdaman kong sumakit puso ko. Masakit yung narinig ko.
Yung mga katagang dapat ako ang nagsasabe, sinasabe na ng iba sayo. Wala na kong magagawa. Wala na e. Wala naman akong karapatan. Mahal kita, pero hanggang dito na lang.-Sorry eto lang ang nakayanan ko. Hahahaha.-
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
RandomPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...