To : Mattea Hanahaki
From : Kasper Montero
"Multo saan ka pupunta? "Tanong mo sakin pagkarating mo, hindi ko namalayan na nandito ka na pala sa tabi ko.
"Ah eh tumawag kasi ang barkada may basketball daw kami sige" sambit ko sabay biglaang takbo. Laging ganon ang eksena ko pag andyan ka na, samot saring dahilan ang aking pinapalusot para makaiwas sayo.
Nandito ako sa likod ng puno habang pinagmamasadan ka, alam kong nakakahalata ka na na iniiwasan kita pero wala akong magawa.
"Iniiwasan mo ba ako" bigla mong sulpot sa tabi ko kaya nagulat ako.
"Ah iniiwasan? Hindi ah bat naman kita iiwasan at tsaka pano mo naman nasabi na iniiwasan kita? "Lintaya ko
"Kasi lagi na lang pag kakausapin kita or lalapit ako lagi kang umaalis tas kung ano ano pang dinadahilan mo"
"Hindi kita iniiwasan okay? Sadyang wrong timing ka lang kasi nauunang tumawag ang mga barkada ko bago ka dumating" paliwanag ko sabay pitik sa noo mo.
"Nakausap ko ang barkada mo at tinatanong ko sila kung lagi ba kayong may lakad kaso sinabi nila hindi ka na daw nasama sa kanila. So tell me iniiwasan mo ba talaga ako?"Napakamot na lang ako sa batok ko kasi wala na akong lusot, mukhang kailangan ko na talagang umamin.
"Okay fine oo iniiwasan kita" iwas tinging wika ko.
"Bakit" tanong mo na may kasamang lungkot sa iyong tono.
"Mahal na kita, pero alam kong hanggang kaibigan lang ako. Kaya nga heto ako lumalayo na sayo baka kasi di ko na kayanin" pag-amin ko. "D-don't worry I don't blame you. Naiintindihan ko naman e" dagdag ko pa.
"I'm sorry multo. Hindi ko alam, pero wag mo naman akong iwasan please? Ayokong mawala ka saka isa pa mas nagtatagal ang pagkakaibigan kaysa sa pag-iibigan" sabi mo sabay hawak ng kamay ko. "Please multo, wag naman ganito" malungkot na saad mo pa
"Hayaan mo muna akong malimutan tong nararamdaman kong ito di bale nandirito pa rin ako kung kailangan mo ako but please hayaan mo muna akong dumistansya" saad ko sabay tanggal ng kamay mo at naglakad na paalis.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
AcakPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...