LEOJ LAVOISIER'S FANSERVICE
fanservice] - break up act
"A-anong sabi mo?" naguguluhang tanong mo sakin. Bumuntong hininga ako saka tumingin sa iyong mga mata. "You heard me. Gusto ko ng tapusin ang relasyon natin. Let's break up." sambit ko sayo. Bakas ang gulat at pagtataka sa iyong mukha. "You're joking right? Hindi nakakatawa." sambit mo sakin. "No. I'm dead serious. Let's end this." matigas na sambit ko sayo. Napahinto ka at rumehistro ang lungkot sa iyong mukha. Kita kong may namumuo ng luha sa iyong mga mata. Nagbabantang tumulo ang mga iyon. "Pero.. b-bakit?" tanong mo sakin habang nakatingin ng diretso sa aking mata. "May m-mahal na 'kong iba." mahinang sambit ko sayo. Nakokonsenya ako. Ang gago ko. "P-paano? Papaanong may mahal ka ng i-iba. H-hindi ba, t-tayo pa?" nauutal na tanong sakin. Kahit nanlalabo na ang iyong mga mata dahil sa luha ay nanatiling diresto ang tingin mo sakin. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako makasagot sayo. "Sumagot ka. Tumingin ka sakin. Sumagot ka please." nagmamakaawang sambit mo sakin. "H-hindi ko alam. Mahirap i-explain." nakatungong sambit ko sayo. "A-anong mahirap i-explain? Mahirap bang i-explain na n-nagtaksil ka sakin? Ha? M-mahirap ba yon?" namamaos na sambit mo marahil pinipigilan mo ang sarili ko na umiyak ng tuluyan sa harap ko. Napalunok ako at tumingin ng diresto sa 'yong mga mata. "Hindi ako nagtaksil sa 'yo. Minahal kita. Naging faithful ako sa 'yo." sambit ko sa 'yo. Mahina kang napatawa kasabay ng pagpatak na mga luha mula sa 'yong mga mata. "Kung ganon, bakit nakikipag hiwalay ka ngayon saakin?" sambit mo sabay hawak sa braso ko. Hindi ako makapag salita nanatili lang ako nakatingin sa 'yong mga mata na dati'y puno ng kasiyahan ngunit ngayo'y lumuluha na. "Kung mahal mo 'ko, bat sinasabi mo na may mahal ka ng iba? H-hindi ba pagtataksil yon?" tanong mo. "I'm.." napayuko ako. "Ano?" tanong mo saakin. "I'm really sorry but... I'm inlove with someone else.." mahinang sambit ko sabay tanggal ng kamay mo sa braso ko at tuluyan ng lumayo.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
RandomPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...