Fanservice 314.

50 0 0
                                    

To : Kaliyah Beethoven
From : Zayn Zain 


004 FS Pyscho Act

"Hon, saan ka na? " tanong ko sayo mula sa telepono.

"Nasa office ako hon" sagot mo saakin. Binaba mo na ang telepono dahil madami pa daw kayong gagawin sa opisina niyo.

Andito din naman ako sa opisina ko, pero masyado akong praning na ayaw kitang papuntahin sa ibang lugar na hindi ako kasama.

Gabi na, nauna akong umuwi. Wala ka parin pala sa bahay, kaya nagluto ako at naghanda ng makakain natin. Ilang oras akong naghintay, ilang oras ako naghintay sayo.

"Bat ba ang tagal mo! " sigaw ko sabay bato ng isang babasaging baso.

Pinatay ko ang mga ilaw, at nagpahinga na muna sa sofa, dahil sobrang pagod na din ako galing sa trabaho.

Mayroon akong narinig na mga yapak, bubuksan na niya ang pintuan peri naka lock siya. May bumukas at alam kong ikaw yun dahil may susi ka din ng bahay.

Nagulat ako nagulat akosa nakita ko. May kahalikan kang lalaki, siguro ang akala mo hindi pa ako nakakauwi dahil minsan ay late na ako nakakarating ng bahay. Kaya pala sobrang tagal mo, bullshit nanginit ako gusto ko siyang suntukin

Sinuntok ko ang lalaking kasama mo, at sabay tinulak ka. Kinaladkad ko ang lalaki mo papunta sa kusina, tinali kita sa may upuan kung saan tayo kakain hon.

"Diyan ka lang ihahanda ko lang ang masarap nating pagkain hon" bulong ko sayo, iyak ka ng iyak "Sorry Zayn zayn wag!" Sigaw mo pero hindi kita pinansin.

Pumunta akong kusina para simula ng lutuin ang ulam nating dalawa. Ng matapos na, lumabas ako at nakita kita, lumapit ako sayo sabay hinalikan ka sa labi. "Luto na siya hon, kainin na natin" sabi ko sayo at nakita ko sa mga mata mo ang gulat.

Rpw : Fanservices Book 2Where stories live. Discover now