Fanservice 241.

69 0 0
                                    

To : IU Screabe
From : Sage Permitivo 


  Baby pwede bang magtanong? Sabi mo kasi noon, walang magbabago sating dalawa. Yung mamahalin lang nating yung isa't isa at kakayanin yung mga probemang dumadating satin. Bakit biglang may nabago at nagbago? Ako ba yon o ikaw? Baby hindi ko na alam. Nasasaktan ako sa nangyayari satin. Bakit ganito? Yung mga salitang sinabi mo pinanghahawakan ko pa kahit ako mismo pagod na. Pero dahil mahal kita, hinding hindi ako bibitaw. Sabi mo noon naalala ko pa, tayo na hanggang dulo. Hinding hindi na natin papakawalan ang isa't isa. Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko anytime iiwanan mo na ako? Teka hindi ko yata kaya. Sobrang mahal na mahal kita. Paano na ako nito? Iisipin ko palang ang sakit sakit na. Iisipin ko palang na mapupunta ka sa iba at siya na yung makakasama mo habang buhay, hindi ko yata kayang tanggapin. Ikaw lang yung babaeng pinangarap kong makasama habang buhay. Bumuo ng masayang pamilya at harapin ang pagsubok sa atin bilang mag-asawa. Naalala mo pa ba? Sabi ko sayo papalitan ko na ng surname ko yang surname mo para maging asawa na kita tapos bigla kang kinilig. Yung magagandang alala natin baby, mawawala na ba? Sabihin mo naman ngayon na "hindi mawawala yung happy memories natin Sāge. Mahal na mahal natin yung isa't isa diba?" Feeling ko anytime madudurog na ako. Okay lang maging bakla dahil umiiyak ako kasi nasasaktan ako at dahil sobrang mahal na mahal kita. Yung mga pangako mo? Patuloy ko yang panghahawakan. Ayokong mangyari isang araw, mag gogoodbye kana sakin at sabihin mong hindi mo na ako mahal. Please wag mong sasabihin yan. Hindi ko kakayanin. Mahal na mahal kita.  

Rpw : Fanservices Book 2Where stories live. Discover now