Fanservice 341.

31 0 0
                                    

KI EL'S FANSERVICE

[ FS: Unwanted Wife Act ]

"How can someone who made you feel special yesterday can make you feel so unwanted today?" tanong ko sarili ko sa harap ng salamin.

Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko sa repleksyong nakikita ko ngayon. Malayong malayo sa babaeng masaya. Kung dati ay kumikinang pa ang aking mga mata, ngayon ay wala na. Unang tingin pa lang sa akin, mahahalata na kaagad na wala akong kabuhay buhay, idagdag pa ang maputla kong mukha.

Pinunasan ko ang luha sa gilid ng aking mata at umalis na sa harap ng salamin. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nagsimula na akong magluto ng dinner namin. Pagkatapos ay tumabay muna ako sa sala, hinihintay sya. Past 10 na ng gabi pero wala pa rin sya, nag aalala na ako. Well, kahit gabi gabi namang ganito ang oras ng uwi nya mula nung kinasal kami ay hindi ko pa rin maiwasang mag alala, mahal ko kasi.

Nanood lang ako ng TV hanggang sa alas-dose na ng madaling araw, may narinig akong sasakyan sa labas ng bahay. Bumangon kaagad ako at binuksan ang pintuan. Sinalubong ko sya, amoy alak na naman sya. Gabi na gabi nalang, napabuntong hininga ako. Konting tiis pa Megan, ginusto mo'to, panindigan mo.

"Kumain kana ba? Handa na ang pagkain," sabi ko at hinahabol sya sa mabilis nyang lakad papunta sa hagdan pero hindi nya ako inimik.

Sinundan ko sya paakyat sa kwarto nya, Oo may sarili syang kwarto. Mag asawa man kami pero hindi kami kailanman nagsama sa iisang kwarto, ayaw nya.

Dumapa kaagad sya sa kama at natulog pagkapasok nya sa kwarto. Lumuhod naman ako sa paanan nya at hinubad ang kanyang sapatos. Pagkatapos ay tumayo, para hubarin ang damit nya. Ayoko syang matulog ng ganito ang damit, sigurong basang basa sya ng pawis kanina. Kumuha ako ng damit sa walking closet nya at sinimulan na syang bihisan.

"Mashal kita Megan pero shinaktan mo lang ako," sabi nya habang tulog, dahilan para mapatigil ako sa paghaplos sa makinis nyang mukha.

Napaluha ako at tahimik na napahikbi. Nagsisisi na ako sa pag iwan ko sayo mahal, sobrang pagsisisi to the point na unti unti na nitong nilalamon ang puso ko. Tahimik lang akong umiiyak sa gilid nya, ito ang mahirap sa tahimik na pag iyak, masyadong masakit sa dibdib kasi hindi mo mailabas yung ingay na sinisigaw ng puso mo. Napapahawak na ako sa naninikip kong dibdib, tangina literal na nahihirapan ako sa paghinga.

"Bakit ka umiiyak? You don't have any rights to fucking cry in front of me Megan!" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang magsalita sya, tumikhim muna ako bago sya nilingon. Pupungas pungas naman syang nakatitig sa akin, kunot ang noo.

Pilit akong ngumiti, "Wala 'to. Matulog kana alam kong pagod ka."

"You're lying to me again. Tell me Megan, until when are you going to make me feel worthless?!" napalakas ang boses na tanong nya, napakunot noo ako.

"What are you saying Kiel?"

"Goddamn it! You're always like this, making me feel worthless then act as if you don't know what you were doing! Hanggang kailan mo ba ako sasaktan Megan?! Tangina! Pagkatapos mo akong iwan sobra akong nahirapan sa pagbuo sa sarili ko. Muntikan na akong mabaliw tangina! Ikaw yung buhay ko eh, sayo umikot yung mundo ko pero bigla kang nnawala nang wala man lang pasabi. Tapos ngayon bumalik ka ulit sa buhay ko at kinulong ako sa putanginang kasal na'to!" Napasabunot sya sa sarili buhok. "Ano ba talaga ang plano mo ah?!"

Napahikbi ako, "Hindi ko ginusto iyon Kiel, hindi ko ginustong iwan ka. At patawarin mo ako pagkulong ko sayo sa kasal na ito. Sobrang mahal lang kasi kita." napaiyak na ako ng tuluyan. "Wag kang mag alala, sapat na ang tatlong buwan sa akin. Bukas na bukas din ay magpafile na ako ng annulment. Sorry for this, I'm really sorry." kinulong ko sa mga palad ko ang aking mukha at doon umiyak.

Nanigas naman ako nang makaramdam ako ng init sa aking balat, tagos hanggang sa puso ko...niyayakap nya na pala ako, nanginginig sya. "D-don't you dare!" nabasag ang boses nya.

"Don't you dare leave me again, nakaya ko nung una. Pero kung iiwan mo ako ulit ngayon, hindi ko na kakayanin pa. Mababaliw na ako ng tuluyan Megan. Tangina, kahit sobra mo akong nasaktan mahal pa rin kita. Bullshit, mas minamahal kita ngayon, sobra sobra." aniya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Umiiyak naman akong napangiti, all the pain is worth it. I thank God so much for giving him to me. He's the greatest thing that ever happened to me, and I intend to keep him 'til my last breath.

Rpw : Fanservices Book 2Where stories live. Discover now