To : Drei Ash Mockintxrd
From : Tristan Raven De'Rozan
[ DamnDudes' Tristan Raven at your service. One week love story -- este one week late. Paumanhin binibini. Magandang gabi. ]
July 24, 2015
"Pre asan na ba yung Nova dito?" pasigaw na tanong ni Drake at agad naman siyang binato ng Nova ni Jayvee. "Gamitin kasi ang mata pag naghahanap hindi puro bunganga lang," ani pa nito. "Oy gago to ah, sakit ng mukha ko," pagrereklamo naman ni Drake.
Nandito ako sa tambayan naming magbabarkada ngayon. Kinakabahan ako kaya dito ko napiling tumambay muna. Nagtatalo parin sina Drake at Jayvee habang yung iba ay parang mga batang naghahabulan. Sina Michael at Wave ayun busy sa pakikipag video call sa mga girlfriends nila. Ang gulo ba ng barkada ko? Ganito kagulo buhay ko ngunit biglang nagbago nung dumating ka sa buhay ko.
Sa dinami dami ng babae sa mundo, di ko talaga inaakala na magkakagusto ako sayo. Tanda ko pa yung unang pagtatagpo natin, first year college students palang tayo nun ng bigla mokong sinipa ng sobrang lakas ng dahil sa akala mong ako yung lalaking kumuha ng bag mo.
"ANO BA MISS? ANO BANG GINAWA KO SAYO HA?" sigaw ko sayo nung sinipa moko. Halata sa mukha mo yung gulat ng makita moko. Ansakit nun. "Sino ba tong babaeng to?" Yan ang tanong sa isip ko. Inis na inis ako nun kaya kailangan pakong pigilan ng mga kabarkada ko dahil anytime ay makakasapak na talaga ako. Badtrip ako that time tapos dumagdag ka pa. "Sorry po. Sorry sorry akala ko ikaw yung kumuha sa bag ko" panay sorry mo sakin. Pero wala e. Inis ako kaya iniwan kitang parang ewan sa gitna ng field na bow nang bow sa kakahingi ng sorry. Sobrang inis na inis ako sayo nun at sobrang saya ko ng mapag-alamang maggiging kaklase pala kita. "Lagot ka saking babae ka," sabi ko ng makita kitang papasok ng room.
Days had passed at para tayong aso't pusa. Halos sugusegundo tayo kung mag-away at magbangayan. Pati maliliit na bagay pinagtatalunan natin. Minsan lang tayo kung magkasundo. Tayong dalawa na nga lang ata yung nag-iingay sa room e. Yung tipong pagtitingan lang nila tayo. Tapos tila ba himala sa mga kaklase natin kung lumagpas ng isang oras na di tayo magbabangayan.
Sa mga panahong nagkakagusto nako sayo, napapatawa nalang ako sa sarili ko. Di naman tulad mo yung gusto ko. Gusto ko yung mga pang campus crush yung dating, yung parang modelo. Di naman ikaw yung babaeng napapalingon kaming mga lalaki pag dumaan ka. Ikaw yung babaeng walang kolorete sa mukha. Ikaw yung babaeng parang mas lalake pa ata sakin kung umasta. Ikaw yung babaeng bumubulabog sa bawat araw ko. Ikaw yung babaeng simple lang kung manamit. Ikaw yung babaeng walang arte sa lahat. Alam mo bang sa paggiging simple mo lumilitaw ang kagandahan mo? Oo, maganda ka. Sobrang ganda mo. Kahit di ka pa magsuklay maganda ka parin.
Araw-araw mokong kinukulit. Araw-araw mokong iniinis. Araw-araw mokong inaasar. Pero kung anong kulit mo, ganun karin ka pikon. Pag ikaw na ang aasarin halos lumipad na lahat ng notebooks ko dahil sa sobrang pikon mo. Alam mo bang ang cute mong mapikon? Kaya gusto kitang inaasar e.
Lagi kitang kinukulit nun. Gusto ko sakin lang atensyon mo kaya panay yung asar ko sayo.
"Panget mo talaga," sabi ko sayo habang natatawa sa hitsura mo. Kawawa ka naman kase di marunong magayos ng buhok mo, babaeng tao di marunong. Kaya ginulo ko ulit ang buhok mo. "Tama na ngaaaa! Ikaw walang kasing panget! Panget!" sigaw mo sakin.
"Thalia," tawag ko sayo. "Ano?" pagtataray mo naman sakin. Pft. Pikon agad tong manang na to. "Maliligaw ako," sagot ko naman. Di ko alam kung bat ganyan lumabas sa bibig ko nun. "KANINO?!!" pasigaw na tanong mo sakin. "Sayo," mahina kong sagot at agad na tumawa. Nakakatuwa expression mo nun. Di mo ko nga alam kung natutuwa ka ba o hindi e. Nabigla ako ng bigla mokong hinampas ng bag mo, school bag mo. Kahit kelan ang sadista mo talaga.
YOU ARE READING
Rpw : Fanservices Book 2
De TodoPuro fanservices to ng mga Roleplayers. ☺ Karamihan dito mga FS nila sakin. Mga fs nila kay Kali Roswell. xD Pero wag niyo naman sana kunin yung mga FS na nandito dahil meron ng may ari nun. Don't plagiarize it kung ayaw mong ma-bash. If you know wh...