Fanservice 294.

28 0 0
                                    

To : Renielle Kie Smith 
From : Cider BD 


Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa park kung saan tayo laging nagkikita. Sulyap sa telepono, baka sakaling nag text ka na tapos tingin ulit sa malayo baka parating ka na. napag usapan kasi natin ngayon na magkikita tayo, date ba? Mga ganun hahaha bigla akong napahawak sa dibdib ko, napapikit at sinubukang huminga ng malalim. ""wag ka munang sumumpong please" pagkausap ko sa sarili kong katawan. Pagdilat ko ng mata ay nakita kong papalapit ka na sa akin na nakangiti. Napangiti din ako, napangiti dahil sa pagdating mo....pagdating sa buhay ko. Nagyakapan tayo ng mahigpit pagkalapit mo saken. Hinalikan kita sa labi at di na inintindi ang mga taong nasa paligid. Ang mga labing ito, gustong gusto ko talagang hinahalikan to. Ang lambot, ang sarap, para akong nababakla sa sobrang kilig pag magkadikit ang ating mga labi. Pinutol ko na ang halik dahil baka mamaya maakusahan pa tayong gumagawa tayong porn. Siraulo ba? Bat ba?! Hahaha pinuntahan natin lahat ng gusto mong puntahan, kumain ng mga trip mong kainin, nagkulitan, asaran, suyuan, lambingan, sa araw na iyon, nagpakasaya tayo ng sobra, nagpakasaya na para bang wala ng bukas pa. Sa paglalim ng gabi at tanging mga bituin at buwan na lamang ang nagsisilbing ilaw natin sa daan patungo sa inyong tahanan, hinawakan ko ng mahigpit ang iyong mga kamay. Tumingin ka saken, ngumiti at sinabi kung gano ka kaswerte na ako yung lalaking minahal, mahal, at mamahalin mo pa ng husto. Sinubukan kong maging matatag, sinubukang ngumiti, at ipakitang yun din ang nararamdaman ko sayo. ayokong magsalita baka di ko mapagilan ang sarili ko.
Ilang paglalakad pa at nakarating na tayo sa bahay nyo. Andun lang tayo sa gate nyo, papasok ka na sana sa loob kaso pinigilan kita sa pamamagitan ng pagyakap ko sayo mula sa likod mo. Niyakap kita ng mahigpit at binaon ang mukha sa leeg mo. Sinubukan mong humarap pero pinigilan kita. baka kasi di ko masabi yung mga dapat kong sabihin pag nakita ko ang maganda mong mukha. Ayoko, ayokong umiyak ka. ayokong Makita kang nasasaktan. Di ko kaya. Ilang minuto pa ang itinagal ng pagkakayakap ko sayo, sapat na para masabing nakabwelo na ako sa sasabihin ko, ay nag simula na akong magsalita. ""prinsesa ko, matagal narin mula nung naging tayo diba? Ilang taon na rin. Ilang taon mo ng pinagtitiisan ang gagong ako. Ilang taon mo ng pinapakilig, pinapalambot ang puso ko. Ilang taon mo naring binibigyang kulay at kahulugan ang buhay ko. Prinsesa, salamat. Salamat ng madami sayo. salamat kasi di mo ko iniwan. Salamat kasi patuloy mo kong minamahal kahit na puro katarantaduhan lang ginagawa ko. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Salamat prinsesa. Pasensya ka na sa mga nagawa ko sayo ah? Pasensya na sa lahat ng pagkukulang ko. Pasensya na sa mga pagkakamali ko. Prinsesa, sana lagi mong tatandaang mahal na mahal kita. kung bibigyan ako ng Panginoon ng isa pang buhay at papipiliin ako ng buhay at mga eksenang mangyayari sa buhay ko na gusto ko, prinsesa ko, pipiliin ko parin yung pagkakataon kung san kita unang nakilala, yung panahon kung kelan nakamit ko ang matamis mong oo, yung mga panahon na kasama kita sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya. Prinsesa, mahal na mahal kita. ikaw lang ang ginusto, ginugusto, at gugustuhin ko pa ng husto hanggang sa......mawala na ako. Ikaw lang prinsesa ko, wala ng iba."" Kahit anong pigil ko ng sarili kong wag pumatak ang luha, may nakalusot paring iba at pinunasan yun bago ka pa nakaharap saken ng tuluyan dahil sa pagpupumiglas mo. Hinawakan mo ang magkabilang pisngi ko, kinukulit kung ano bang nangyayari. Hinalikan kita sa noo at sinabing, ""aalis kasi ako Prinsesa. May kelangan akong ayusin. Pero babalik ako. Babalik ako para sayo"." nagsimula ka ng umiyak at pilit kitang pinapatahan. ""babalik ako prinsesa, kahit anong mangyari, babalik ako. Di ko hahayaang mawala ng tuluyan ng hindi nagpapaalam sayo." ngumiti ako at hinalikan ka.

Ilang buwan ang lumipas, dalawa..tatlo...apat...at hanggang umabot sa pitong buwan pero wala paring Cider na nagpaparamdam sayo. Isang dapit hapon ng pumunta ang bespren mo sa bahay nyo, umiiyak. Niyakap ka at humagulgol. Sinabi nya sayong kelangan mong pumunta ng hospital. Nagtaka ka kung bakit kaya tinanong mo sya, dun mo nalamang andun si Cider, andun ako, nalalabi nalang ang oras ko, at ikaw na lang ang tanging hinihintay ko bago umalis sa mundong ibabaw. Hindi ka naniwala. Nagalit ka. inaway ang kaibigan mo dahil sa akala mong pagsisinungaling nya. Dumating ang nanay mong lumuluha at niyakap ka. gaya ng sinabi ng kaibigan mo, ang masamang balita sa lalaking mahal mo. Sinabi nya sayo ang kalagayan ko, ang pagkakaroon ko ng sakit sa puso, at ang huling habilin ko bago ako umalis sa mundo. Yun ay ang makita ka bago pa bumigay ang katawan ko. Sumugod ka sa hospital, at sa wakas, nagkita kayo, nakita mo sya, nakahilata, at hinang hina na. nanlambot ka sa nakita mo, mga luha'y patuloy na dumadaloy sa iyong pisngi. Sinubukan kong ngumiti ng sa wakas ay muli tayong nagkita. Ang prinsesa ko, ang babaeng mahal na mahal ko. Niyakap mo ko at sinubukan ko rin na yakapin ka din kahit na hirap na ako. Kahit sa huling sandali lang, gusto kong maramdaman ka, maramdaman ang init ng yakap mo. ""prinsesa ko"" nanghihina kong sabi. Humagulgol ka ng husto, Diyos ko, pwedeng padagdag pa ng kahit konting panahon? Gusto ko pang makasama ang babaeng mahal ko. Di ko na napigilan ang mga luha ko, nanghihina na ako, nahihirapan na akong huminga. ""m-mahal n-na mahal k-kita" binuhos ko na lahat ng lakas ko masabi lang kung anong nararamdaman ko para sayo sa huling pagkakataon bago pa lumabo at di ko na narinig pa ang paligid ko. Panginoon, ikaw na ang bahala saken, ikaw na ang bahala sa babaeng mahal ko.

Rpw : Fanservices Book 2Where stories live. Discover now