Fanservice 253.

41 0 0
                                    

To : Lioness Nadine Alexis Reid
From : Sage Permitivo


  Chineck ko yung phone ko kung anong oras na kasi susunduin pa kita sa school na pinapasukan mo, nung nakita kong malapit ng mag 6pm, agad na akong umalis sa bahay at nag drive na paalis. Medyo may kalayuan yung school na pinapasukan mo, after ilang minutes nakarating na ako sa school mo, nalate ako ng dating kasi traffic kaya nakita kita sa labas ng gate at may kausap ka na lalaki. Nakaramdam ako ng selos at agad naman akong bumaba ng kotse at tsaka pumunta sa direksyon niyo.Nakita mo ako at tumingin ako ng masama don sa lalaking kasama mo, nag salita ka agad. "Ahm baby classmate ko pala." Tumango nalang ako at hinila kana palayo sa lalaking yon. Nung malapit na tayo sa kotse, agad kitang tinanong. "Bat ka may kasamang lalaki? Kausap mo pa, diba sabi ko ayokong may kasama kang lalaki? Tss." Hinawakan mo yung kamay ko. "Nag kkwentuhan lang naman kami kanina tsaka isa pa hindi ko magugustohan yon no. Ikaw lang kaya yung nag iisang lalaking mahal na mahal ko kahit may makasama pa akong ibang lalaki." Nginitian mo ako ng malaki at hindi padin binibitawan yung kamay ko. Tinignan kita ng seryoso at pinigilan yung pag ngiti ko dahil sa sinabi mo. "Tss alam mo naman na kahit maliit na bagay pa yan, pinag seselosan ko diba? Kahit classmate at kaibigan mo pa na lalaki. Ayokong lumalapit sila sayo kahit may itatanong pa sayo. Ang dami namang ibang babae dyan bakit ikaw pa?" Pag susungit ko. Bigla ka namang natawa sakin at kinurot mo yung pisngi ko. "Napaka seloso mo Sāge. Kahit ilan pang lalaki ang lumapit at mag tanong sakin? Hindi padin mawawala yung pag mamahal ko sayo, wag kadin matakot na baka maagaw ako ng iba dahil hinding hindi mangyayari yon ha? Iloveyou baby. Smile na masyado kang hot eh." Hinawi ko yung buhok mo at binigyan ka ng matamis na ngiti. "Sakin ka lang baby. Iloveyoumost." Sabay hinalikan ko yung forehead mo. "Opo. Sayong sayo lang ako. Kaya uwi na tayo, ihahatid mo pa ako pauwi." Natatawang sabi mo at natawa din ako. "Oo nga pala. Hays. Nadala ako ng selos." Agad kong binuksan yung pinto ng kotse at pinasakay na kita don, ganon din yung ginawa ko at hinatid na kita pauwi.  

Rpw : Fanservices Book 2Where stories live. Discover now