Ang Simula

3M 43.8K 24.6K
                                    

Ang Simula

Nakipag high five si Clark sa mga kasamahang photographers nang natapos ang pageant. Sinusundan ko siya para kumbinsihin pero ayaw niyang makinig sakin.

"Clark, hindi ako makakapagcollege kung hindi ako uuwi doon." Sabi ko.

Nakatalikod siya at nililigpit niya ang kanyang mga equipment. Nilalagay niya sa loob ng bag ang lens, sa isang bag naman ang camera. Binitbit niya rin ang dalawang tripod na dala niya. Sunod lang ako nang sunod sa kanya.

"Sige, dude!" Sabay ngisi at fist bump niya sa isa pang photographer.

Bumaling sakin ang photographer na iyon saka ngumisi. Nginitian ko na din siya.

"Sige, Ches, sama ba kayo mamaya sa after party?" Tanong niya sakin.

Ngumuso ako.

Gusto ko sanang makipag usap kay Clark para mapag usapan naming mabuti itong problema ko. Bago ko pa matanggihan ang alok ay tumango na si Clark sa photographer.

"Oo." Wika niya.

Umalis ang photographer kaya bumaling ako sa boyfriend kong nagliligpit ulit ng mga camera. Ni hindi niya ako nililingon. Alam ko, galit siya. Ayaw niyang magkahiwalay kaming dalawa ng matagal. Gusto niyang dito lang ako sa tabi niya. Sweet. Kaya lang gusto kong maging praktikal. Kailangan ko ang opportunidad na ito kaya hindi ko iyon sasayangin.

"What?" Bumaling siya sakin at halatang iritado.

"Gusto kong mag usap tayo tungkol dito, Clark. Di pwedeng pumunta tayo sa party na iyon at hayaan na lang ito. Bukas agad ang alis ko papuntang Alegria."

"I said no, Chesca. Ayaw ko." Bumaling siya.

Nagtama ang aming mga mata. Nakita ko kung gaano siya ka seryoso sa kanyang titig sa akin.

"Ayaw kong umalis ka." Aniya saka kinuha ang mga bag na nasa tabi niya. "Nakaya mo namang whole summer ng pa gig gig ka lang, ah? Kaya mo namang maging photographer o model. Kaya mong mabuhay nang di umuuwi doon."

"Kaya ko! Paano ang pamilya ko? At, Clark, gusto kong mag college. Kung ikaw ay kaya mo kasi mayaman kayo at kumikita ka na, ako hindi. Hanggang sa community college lang ako doon sa Alegria. Hindi ko kaya ang malalaking unibersidad lalo na sa estado namin ngayon."

"Then, I'll pay for you, what's wrong with that, Chesca?" Hinawakan niya ang baywang ko.

Nanghina agad ako sa haplos niya. Ngumuso ako. Nandito kami sa loob ng venue nitong prestihiyosong pageant na ginanap sa isang magarang hotel. Isa si Clark sa mga official photographers nila. At syempre, dahil supportive akong girlfriend ay nandito ako at nakaaligid sa kanya.

Siniil niya ako ng halik. Buti na lang at wala na gaanong tao. Nakaalis na ang lahat. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

Isang taon pa lang kami ni Clark pero pakiramdam ko ay ipinanganak na akong kasama siya. Ganun siguro talaga pag naging masyado ka ng dependent sa isang tao. Kahit na hindi naman ako yung tipong mag dedepende sa iba, hindi ko parin kayang itanggi na nitong nakaraang dalawang buwan ay dumepende ako sa kanya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon