Kabanata 11
Abbadon
Napangiwi ako sa linya niya. Binawi ako ang brasong hinahawakan niya.
"Tigilan mo ako, Hector." Sabi ko at tinalikuran ulit siya.
Aktong pagkatalikod ko ay hinawakan niya ulit ng mas mahigpit ang braso ko. Napaangat talaga yung braso ko kaya binalingan ko ulit siya. Kahit na umuulan at sobrang lamig ay nag init ang galit sa kaloob looban ko.
I HATE BOYS AND YOU ARE NOT AN EXCEPTION! Kahit na gwapong gwapo ka (despite sa buhok mong may buntot) at sobrang angas ng katawan mo ngayong mamasa-masa ito sa harapan ko, hindi kita patatawarin.
Para siyang napaso nang hinarap ko ulit siya. Nanghina ang kamay niya at parang nasilaw sa akin. Nag iwas siya ng tingin at nagmura ng malulutong.
"Minumura mo ba ako?" Galit kong untag nang nahuli siyang pumu-putang ina sa gilid.
Nanliit ang mga mata ko at hinuli ko ang titig niya. Napatingin siya sa akin at pumikit ulit at nag mura. Nilayuan niya ako at may kinuha siya sa gilid ng kabayo niya. Isa iyong itim na t-shirt.
"May t-shirt ka pala, ba't ka naghuhubad? Tsss. At minumura mo ba ako?" Galit kong untag.
Hinarap niya ako at agad pinulupot ang t-shirt niya sa katawan ko.
"Mababasa din naman ako, ba't pa ako mag aabalang mag t-shirt." Medyo tuliro niya pang sinabi.
"Oh!? Mababasa rin naman ako, ba't ko pa kailangan ng karagdagang t-shirt?"
Tinanggal ko iyon at ibinigay ulit sa kanya. Hindi na naman masyadong malakas ang ulan, at isa pa, basang basa na ako kaya wala ng kwenta.
"PWEDE BA!" Kinagat niya ang kanyang labi at iginala ulit ang paningin sa katawan ko bago niya pinilit sa akin ang t-shirt niya. "KITANG KITA KO DITO ANG PULA MONG BRA!"
Nalaglag ang panga ko. Pakiramdam ko umalis na lang bigla ang kaluluwa ko sa aking sarili. Tinraydor ako ng kaluluwa ko at iniwan sa ere. Nangatog ang binti ko. Hindi ko alam kung ititikom ko ba ang bibig ko o magsasalita ako.
Umirap na lang ako at hinayaan yung t-shirt niya sa akin. Tinalikuran ko siya at nagsimula akong maglakad ng mabilis palayo.
Gusto ko na lang lamunin ako ng damo dito sa kinatatayuan ko. Gusto kong lumuhod at maging tubig papuntang lupa at hindi na magpakita pa ulit. Mas lalo lang naging malala ang pakiramdam ko nang sinilip ko ang puting t-shirt ko at naaninaw ko ang pulang bra kong kitang kita.
"Chesca!" Sigaw ni Hector.
Sumusunod na pala siya. Ang hayup! Sumakay pa siya sa kabayo niya at kinakabig niya ito sa tabi ko.
"Sumakay ka na dito. Ihahatid kita sa bahay namin o kina Aling-"
"Shut up! I don't need your help."
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...