Kabanata 23
Sige
Mas naging busy ang mga sumunod na araw sa school. Panay ang practice namin sa cheering. Madalas na din kaming nag me-meeting para sa booth. Gagawa pa kami ng nakakaengganyong design para sa header ng booth. Buong design mismo ng booth ay dapat nakakaengganyo para mas dumami ang pumunta.
"Okay na ito! Kelan natin ito aayusin?" Tanong ni Jobel.
Kakadrawing niya lang sa design at may mga materyales na din kaming binili para doon.
"Next week na ang festival, siguro sa Sabado na lang. Masyado pa tayong busy ngayon sa cheering. Nag bayad ka na ba para sa uniform?" Tanong ni Marie.
"Oo. Ang mahal nun. Nagreklamo si nanay. Pero wala tayong magagawa. Ang bading kasing iyan." Sabay nguso ni Jobel sa paparating naming trainor.
Nag assemble na agad kami sa field. Ito ang unang pagkakataon na dito kami sa field magpapractice. Palagi kasi kaming nasa rooftop. Nang sa ganun daw ay may element of surprise yung sa amin. Yung Agri Business kasi ay parating nasa soccer field. Ang Educ naman ay sa soccerfield sa tapat ng simbahan sa sentro nag papractice. Ang vocational ay madalas sa court kung walang nag pa-practice game.
"A" Pumalakpak ang mga taga Agri Business. "C... C... Go ACC Eagles!"
Pinakitaan nila kami ng snappy routine. Nasa gilid kasi namin sila. Nakita kong si Kathy ang kanilang inihahagis sa ere. Nakataas ang kanyang kilay at nakangisi habang pinapanood ang mga naiinitan naming mukha.
"Agri Biz... Agri Biz..." May mga awkward hand movements pa silang ginawa.
Kinilabutan ako kaya panay ang himas ko sa braso ko. Tumindig kasi ang balahibo ko sa ginagawa nila. Pumatong si Kathy sa balikat ng isang lalaki. Tatlo silang hinagis sa ere at sinalo agad.
Oo, inaamin ko, magaling siya. Mas graceful siyang gumalaw sa akin. Iyon ang pakiramdam ko. Dalawang beses din akong ihahagis sa ere. Nung una, hindi ako makapaniwala. Hindi kasi pang hagis sa ere ang height ko. Madalas sa Manila, ang hinahagis ay yung medyo maliit.
"Pahinga nga muna kayo. Mag rerequest lang ako ng rights sa field nang sa ganun ay sa rooftop naman ang mga agilang gutom na ito." Umirap ang trainor namin at umalis. "Tse!" Pahabol niya.
Nagsiupuan kami sa field habang nanonood ulit sa routine ng mga taga Agri Business. Di hamak na mas magaganda at mas sikat ang mga nandoon. Syempre, ang alam ko, madalas kumuha ng Agri Business ang mga taga Alegria'ng may malalawak na lupa. Ang Business Ad naman yung mga taga Alegria'ng may mga business. Kaya kumpara sa dalawa, mas maraming may kaya sa Agri Business. Sila yung halos may ari lahat ng lupa sa Alegria.
"Gary!" Sigaw ko.
Dalawa kasi ang bumubuhat sa akin. Si Gary at Greg na classmates ko sa isang subject.
"Sorry nga pala kanina sa rooftop." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...