Kabanata 22

1.2M 32.2K 13.1K
                                    

Kabanata 22

Karapatan

Hindi ko matanggal sa isip ko ang pagluhod ng isang hari sa harap ko. Hindi siya hari kung tignan. Lalo na nung yumuko na siya at naglahad ng kamay. Mukha na siyang knight na maghihintay sa iuutos ko at magtatanggol sa akin kahit kelan ko gusto.

Nilalapag ko ang mga damit na nitutupi ko sa mesa ng sala habang tulala na nakatingin sa TV. Sa harap ko ay si Craig na magulo pa ang buhok kasi kakagising lang isang umaga ng Sabado.

"Ma," Tawag ko nang dumaan si mama sa sala habang busy sa pagtulong kay Tiya sa kusina.

"Hmm?" Nilingon niya ako.

"Pupunta kami sa kaklase ko mamaya para kumuha ng mga prutas sa farm. Gagawa pa kami ng report. Para 'to dun sa nalalapit na festival ng school. Dun sa booth namin?" Sabi ko.

Kumunot ang noo niya at hinarap ako. "Sa isang farm ba? Kaninong farm?"

"Uh-"

"Kina Dela Merced?"

Nabigla ako sa diretsahang tanong ni mama. Ito ang unang beses na binanggit niya ulit ang apelyidong ito pagkatapos ng ilang buwang pananatili ko dito.

"Hindi po. Kina Mathew. Tsaka... ma, diba hindi naman farm yung kina Dela Merced? Rancho naman?"

Nakita kong bahagyang tumingin si Craig sa akin gamit ang natutuwa niyang mukha.

"Pero may konting farm sila. Para pagkain ng mga hayop nila at konting pagkakakitaan na rin." Mas lalong nagdilim ang ekspresyon ni mama. "Wa'g na wa'g kang magkakamaling makipaglapit dun sa Dela Merced. Pag nalamang Alde ka, malamang huhusgahan ka nun."

Nabigla ako sa sinabi ni mama. Gusto ko pang magtanong pero umalis na siya. Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa TV, kung saan nakatitig din si Craig gamit ang kanyang natutuwang mukha. Kahit na ang nasa TV ay iniinterview'ng artistang babae. Tungkol daw iyon sa pagbibreak nila ng boyfriend niyang artista din dahil sa isang third party.

"Two months." Ani Craig nang naramdaman ang pagtitig ko sa kanya. Bumaling siya sakin.

Itinaas ko ang kilay ko. Ibinaling ko ang buong atensyon ko sa kanya dahil hindi maalis sa sistema ko ang biglaang sinabi ni mama.

"Two months ng hiwalay ang magkasintahan na yan." Sabay nguso niya sa TV.

"Tapos?" Mataray kong tanong sa nakakabata kong kapatid.

"Ate, ilang months na nung hiwalaysary ninyo ni Clark? Bakit bukod sa araw na bumalik ka dito ay hindi na kita nakitang umiyak? Dahil ba agad may ibang nagpatibok sa puso mo?"

Matama kong pinagmasdan ang kapatid ko. Hiwalaysary? May ganun ba? At hindi ko alam kung bakit hindi namugto ng ilang buwan ang mga mata ko sa kakaiyak.

"Isang taon kayo ni Clark, diba? Ang bilis mong mag move on, ah?"

"Anong gusto mong gawin ko? Magtirik ng kandila araw araw para sa namatay naming relasyon. Craig, hindi ako forever nabubuhay. At isa pa... naghanap siya ng iba. Siya yung may kasalanan dito kaya siya yung magdusa."

"Yun na nga. Siya yung may kasalanan. Siya yung naghanap ng iba. Ikaw dapat yung napagtaksilan, pero mukha namang hindi ka gaanong naapektuhan kumpara ng artista na yan sa TV."

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon