Kabanata 3
Jeep Commander
Inalis ko agad sa isipan ko ang lalaking may buntot ang buhok sa likod. Magdamag na lang akong nakakulong sa kwarto sa mga sumunod na araw at panay ang text kay Clark. Bukod doon sa pagtitext ko sa kanya ay, kahit papano, tumutulong naman ako sa gawaing bahay. Tinuruan na rin ako ni Tiyang mag bungkal ng lupa (na ayaw na ayaw kong gawin). Masakit sa kamay at ayaw ko ng trabahong may kinalaman sa lupa.
"Yung tagapagmana ng mga Dela Merced ay ka age mo yata, Ches." Utas ni Teddy habang pinapanood akong nilalagyan ng mais ang lalagyan ng pagkain para sa mga manok.
"Oo. Nakita ko na siya." Sabi ko.
"Ah! Oo nga pala. Of course, di naman siya mahirap hanapin." Humalakhak siya. "He's a hearthrob. Ang daming nahuhumaling sa kanyang taga Alegria kaya di kita masisisi kung-"
"Kung ano? Maiinlove ako sa kanya? Hell, no, Ted. I have a boyfriend and besides he's not my type."
Gumuguhit sa utak ko ang pagmumukha ni Koko at naiinis na lang ako. Gusto kong matawa sa pag iisip na maiinlove ako sa kanya. Ano ba itong si Teddy, hindi niya ba alam kung anong type ko?
"Tsss... Well, then, that's good."
Napangiwi ako. Kung makapagsalita ang isang ito ay para bang hindi kapani-paniwalang hindi ako maiinlove kay Koko.
"Isa lang din siya sa mga Dela Merced kaya iniingatan yun ng tita niya."
Niligpit ko ang ibang patuka ng mga manok at naghugas ng kamay. Mamaya magkakakalyo ako nito dahil sa gawain dito sa bukid.
"Bakit tita niya, wala na ba siyang mommy at daddy?" Wala sa sarili ko ang tanong.
"Hmmm. Hindi mo ba alam? Na ambush yung mommy at daddy niya noong bata pa lang sila. Alam mo na, si Don William, maraming kalaban yun. Tapos nung tumakbong gobernador sa buong lalawigan, mas dumami."
Natigilan ako sa pinagsasabi ni Teddy. Nagkibit balikat siya nang bumaling ako sa kanya.
"Akala nila kasama si Don William sa convoy nung sasakyan. Inambush. Ayun, patay yung dalawang mga magulang niya."
"TALAGA?" Nanliit ang mga mata ko.
Ibang klase din pala ang dinanas ni Koko.
"Kaya pala ganun siya?" Jejemon at mukhang pariwara?
"Hmmm... Ewan ko. Hindi ko naman siya gaanong kilala. Alam mo na, hindi tayo magka batch." Tumawa siya. "Pagkatapos nung nangyari, pinadala siya sa States. Dun sa tito niyang isa pa."
"HA?" Ibang klase na ang ikinalaglag ng panga ko.
Kaya ba masyado siyang 'See ya later, alligater?' Pero ang korni talaga at hindi ko matanggap na galing siyang States!
"Pero tatlong taon lang ata yun, Ches. Binalik din siya dito nung namatay si Don William. At mula nun, dito na talaga siya."
Napalunok ako. Ibang klase pala talaga ang mga naranasan ni Koko. Kahit na nakakagambala sa akin ang mukha niyang High Definition kong naaninag sa likod ng utak ko, meron din pala siyang dinanas na masakit sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...