Kabanata 36

1.2M 30.7K 24.4K
                                    

Warning: Medyo SPG

------------------------------------------

Kabanata 36

Under the Full Moon

"FRANCESCA ALDE!" Nanginig ang kalamnan ko nang umalingawngaw ang galit na boses ni Hector sa buong court.

Nag dim ang lights at nagsimulang magsayaw ang colored neon lights sa paligid.

"We will now start the annual acquaintance ball." Malamig na sabi ng emcee.

May nakita akong gumalaw sa gitna. May nagkakayayaan na sa sayawan. Kabado parin ako dahil sa narinig kong pagsigaw ni Hector. Pero hindi maalis sa utak ko ang paghoholding hands nila ni Kathy... at ang lahat ng sinabi ni Abby sa akin! Darn! Totoo yun! Totoo yung mga sinabi niya! Na liability ako ni Hector! At madalas ganun talaga ang nangyayari... Pagpipili ka ng parehong magandang babae at pareho kang mahal, mas gugustuhin mong piliin yung asset, hindi yung tulad kong liability.

"Harvey!" Sabi ko sabay higit sa kamay niya.

Wala akong pakealam kung medyo nagmatigas siya nung una at nagpatianod din sa akin kalaunan.

"S-Sayaw tayo." Sabi ko.

Dalawa lang ang gusto kong mangyari. Hindi ako makita ni Hector at di ako makita ng mga tao habang tumutulo ang luha ko.

"Chesca!" Tawag ni Koko.

"Leave me alone, Koko!" Utas ko at hinila si Harvey sa dancefloor.

"Chesca, bakit?" Matabang na tanong ni Harvey.

"Shhhh!" Sabi ko sa kanya at humarap na nang pareho na kaming nasa dancefloor.

Bumuhos ang luha ko nang nakita ko siyang gulat na gulat sa ginawa ko. Nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa balikat niya. Hindi siya kasing tangkad ni Hector pero tama lang yung height niya para matabunan ang mukha kong basang basa sa umaagos na luha.

"Sorry. Sandali lang naman." Nanginginig kong sinabi.

Nanginig ang balikat ko habang nakapatong ang kamay ko sa balikat niya. Hindi ko iyon mapigilan. Nanginginig din ang labi ko sa pagpipigil ko ng iyak. Baradong barado ang lalamunan ko dahil sa namumuong bato doon.

Nakita ko ang panghihinayang sa mukha ni Harvey habang pinapasadahan ako ng tingin. Malaya siyang sumayaw kaya sumayaw na rin ako tulad niya.

"You're my first dance." Utas niya.

Tumawa ako. "Ikaw din yung first dance ko."

"Hindi. Ang ibig kong sabihin, first dance talaga. Wala akong sinayaw nung prom."

Ngumisi ako kahit na patuloy sa pagbuhos ang luha ko. Di ako makapagsalita dahil nanginginig na naman ang labi ko sa pagbuhos ng panibagong luha.

"Ang ganda mo... kahit na umiiyak ka." Pabulong na sinabi ni Harvey.

Marahan akong tumawa. "Siguro kaya ako pinapaiyak. Kasi maganda ako pag umiiyak."

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon