Kabanata 31
Mabilis, Matulin, at Diretso
"Talaga!?" Nakangangang sinabi ni Jobel.
Kahit na halos sampalin na siya ng mga pera ng mga lalaking pumipila ay nagawa niya paring pagtoonan ng pansin si Hector.
"Hector, tumigil ka nga!" Sabi ko sabay hawi sa braso niyang nakapulupot sakin.
Para siyang na offend sa pagtanggal ko sa braso niya.
"Talaga, Hector? Bilhin mo lahat?" Namutawi sa bibig ni Jobel habang hinahawi ang mga perang halos ipakain na sa kanya ng mga nasa pila.
"Ang unfair naman! Uhaw kami kaya bibili kami!" Parinig nung isang lalaki.
"Uhaw na uhaw din ako kaya nga papakyawin ko yan!" Sigaw ni Hector.
"Isang baso lang naman." Parinig naman ng isa pang senior.
"Tsss. Oo nga!"
"Magsitigil kayo, sold out na!" Sigaw ni Jobel sa mga lalaking nag uunahan.
"Hector, hindi naman yata pwede yun! Kakaset up pa lang namin ng booth tapos ma so-sold out? Paano kung malaman ng prof na ganun ang nangyari! Hindi naman ata makatotohanan yun!" Sabi ko.
"Oo nga!" Sigaw naman ng nasa kabilang booth na nagbibenta ng bananacue. "Hector, palitan na lang ni Jobel si Chesca kung hindi ka comportable. Sila ang malalagot pag nireport nilang na sold out agad ang paninda nila alas diyez pa lang ng umaga!"
Humalukipkip ako at nakita ko ang malungkot at nagtatampong itsura ni Hector.
"Hindi naman kasi pwedeng ako ang pumalit kasi di marunong si Chesca dito!" Sigaw ni Jobel habang binibigyan ng samalamig ang mga bumibili.
"Tsaka, isa pa, Jobel." Dagdag ni Sarah. "Pag ikaw ang nandyan baka di tayo bumenta!"
Tumawa si Sarah pero inirapan lang siya ni Jobel. Habang pinagmamasdan ko ang dalawa ay may nakaabang ng lalaki sa gilid ko. Hawak hawak niya ang samalamig na binili at naghihintay sa yakap ko.
Agad hinablot ni Hector ang dala kong free hugs at hinarap ang lalaki.
"Ako yung makakayakap mo, pare. Ano? Yakap na!" Medyo galit niyang utas kahit na nakangisi.
Halata ding nagalit ang lalaking may hawak ng samalamig sa asta ni Hector. Alam kong maaring buong batch namin at halos lahat ng taga Alegria Community College ay luluhod sa tagapag mana ng Dela Merced, pero hindi natin maipagkakaila na marami din dito ang anak ng mga haciendero, mga may asukarera, malalawak na lupain, at iba pa. Ibig sabihin ay hindi lahat ng estudyante ay mapapayuko niya.
"Bumili ako dito, si Alde pa ang may hawak niyang karatula kaya dapat siya ang yakapin ko diba?" Nakataas ang kilay na sinabi ng lalaki.
"Oh, eh bakit? Ako yung may hawak ngayon kaya wala ka ng magagawa." Mas mataas ang kilay ni Hector nang sinabi niya yun.
Habang sinasabi iyon ni Hector ay agad na akong hinigit ng lalaki palapit sa kanya at matamang niyakap gamit ang isang kamay.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...