Kabanata 1

1.6M 33.8K 22.3K
                                    

Kabanata 1

Dela Merced

Pinuno ako ng yakap nina mama, at tiya Lucy nang makarating sa ancestral house namin. Iginala ko ang mga mata ko sa bahay na itinayo noong panahon pa ng kastila. Two-storey ang bahay na ito at medyo malaki. Dito tumira ang magkakapatid na Alde. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng Alp spring na mahigit limang ektarya at sa mga alagang sasabunging manok ng yumao kong lolo.

"Mama, si Francesca po." Sabay lahad ni tiya Lucy sa akin kay Lola Siling.

Ngumiti ako pero kumunot ang noo ni Lola Siling.

"Bakit walang nagsabi sa akin na burol na pala ni Daniel!" Nanggagalaiting bungad sa akin ni lola.

"La, matagal na ho yun." Paglalambing ni Teddy.

Tumingin ang pinsan ko sa akin at umiling habang pinapatayo ang nagaalburotong si Lola Siling. The last time I saw her, she's not like that.

"Lumalala na yata ang Alzheimer's ni mama." Buntong hininga ni Tiya.

Hindi ako makapaniwala. SIguro ay matagal-tagal na talaga akong di nakakabalik. Sa pagkakaalala ko ay matalas pa ang memorya ni Lola noon. Pero sa bagay, iyon naman ang madalas na sakit ng matatanda. Ninety-seven years old na si Lola at puno na ng puting buhok ang kanyang ulo.

"O, Craig, iakyat mo yung gamit mo ni Chesca sa taas. Dun sa kwartong katabi ng sayo." Utos ni mama sa kapatid ko nang nakita ang bagaheng dala ko.

Pinisil ko ang kamay ko at pinasadahan ulit ng tingin ang bahay na inaanay na ang haligi, "Mama, di ako magtatagal dito."

Kumunot ang noo ni mama at hinila ako sa sofa ng sala.

Umupo sa magkabilang gilid ko si mama at Tiya Lucy. Si tiyo at papa naman ay mukhang abala sa backyard.

"Gusto ko ng bumalik sa bahay." Pag amin ko.

Concrete ang bahay namin at kahit paano'y maayos naman. Nagtatrabaho sa gobyerno si papa kaya kahit paano ay nakakaahon kami noon. Kasabay pa ng natatanggap naming pera galing dito sa Alegria ay tamang tama lang iyon. Pero ngayong napilitan siyang mag early retirement dahil sa kalagayan ni lola at dinagdagan pa ng pagbagsak ng Alps sa di malamang kadahilanan ay medyo tumagilid na ang buhay namin.

"Ches, kung wala na kaming choice, baka ipagbibili na namin yung bahay." Ani mama.

"HA? Bakit?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala. Matagal na kami sa bahay na iyon at kailanman hindi ko naisipang aabot kami sa ganitong desisyon.

"Ano ba kasi talaga ang problema, mama? Bakit ba mukhang malulugmok na tayo sa kahirapan?"

Nagkatinginan sina mama at tiya Lucy sa akin. Unang nagsalita si Tiya na ngayon ay mukhang nahihirapan kung paano sasabihin sa akin ang lahat.

"Si Teddy pinauwi ko nga. Yung Alps, Chesca, wala sa atin ang titulo nun."

"Paanong wala, e, atin yun diba?"

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon