Kabanata 24

1.1M 30.9K 20.4K
                                    

Kabanata 24

Dysmenorrhea

Hindi na nanonood ng practice si Hector. Dalawang araw na at parang iniiwasan niya ako. Hindi ko naman alam kung bakit. May haka akong nagalit talaga siya nang pinatulan ko siya sa harap ng mga kagrupo ko. Feeling ko nainsulto siya dahil napataob ko siya nun.

Hindi niya rin ako hinihintay sa bawat pag uwi ko. Alam kong busy siya sa booth nila at sa practice game kaya ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

Wait a minute, bakit ako mamomroblema sa cold treatment niya sa akin? Bahala siya! Problema niya na iyon. Tutal siya naman itong nanliligaw.

Oh my gosh! Hindi kaya ito na yung sukatan ko? Dito na nagtatapos ang lahat? Hindi kaya give up na siya sa panliligaw sa akin? Sa lupa namin?

Noong isang araw ay nagawa niya pang mang deadma sakin sa corridor.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Jobel nang nilagpasan kami ni Hector.

Kahit na nagtataka din ako ay ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Ayoko ng mag abala sa pag iisip kung anong pinagpuputok ng butchi niya. Ilang sandali ang nakalipas nang nakalayo na si Hector ay si Kathy at Abby naman ngayon ang bumalandra sa harapan ko. Pareho silang nakahalukipkip at nakataas ang kilay.

"Kawawa ka naman, Alde." Sabay tapik ni Kathy sa kanyang braso. "Wala ka ng tagapagtanggol ngayon. Bumaliktad na siya sayo." Confident niyang sinabi sa akin.

"Anong gagawin niyo ngayon? Buhusan ulit ako ng ihi?" Matapang kong tanong sabay tingin kay Abby.

Nakita ko ang nairitang ekspresyon ni Abby sa akin. Hinila naman ako nina Sarah palayo sa kanila.

"Ano ka ba, Chesca. Ikaw talaga. Ang hilig mong maghamon ng away." Bulong nila sa akin.

"Hindi ako naghahamon." Pagtatama ko.

"May araw ka rin samin, Chesca!" Nanggagalaiting sigaw ni Kathy.

Mukhang tama sila. Wala na nga ang tagapag tanggol ko. Sumuko na siya. Ang bilis palang sumuko ng isang Hector Dela Merced. Buong akala ko ay magkakamatayan pa bago siya sumuko pero mali ako.

Pinaglalaruan ko ang ballpen ko habang nagsasalita yung sexyng professor namin sa harap. Magkatabi kaming dalawa ni Hector at ito na ang huling subject naming dalawa. Pagkatapos nito ay may practice game yata siya at may practice naman ako sa cheering.

Medyo iba yung pakiramdam ko ngayon. May kung anong pamimigat sa puson akong nararamdaman. Period ko na ba? Hindi ko alam. Siguro naman hindi ako aatakihin ng dysmenorrhea, ano? Noong nakaraang buwan, hindi naman ako nagka dysmenorrhea.

"Okay, get one whole sheet of paper para sa quiz natin. Magiging busy na tayo simula next week sa festival kaya walang pasok. Kailangan kong i assess sa ngayon kung ano na ang mga natutunan ninyo." Sabi ng maganda naming prof.

Wala paring imik si Hector sa akin kaya sinubukan kong makipag usap sa kanya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon