Kabanata 42

1M 27.7K 8.2K
                                    

Kabanata 42

Act of War

Natapos ang second sem ng puno ng paghihirap. Kahit na nag birthday ako ay hindi ako pagkatapos agad ng pasukan ay hindi ko iyon madama.

Bumalik na sa dati ang tratuhan ko sa pamilya ko. Kahit na may kaunting gap na. Kahit paano ay medyo bumuti din ang pag iisip nina mama at tiya. Hindi na rin nila ako pinaparinggan sa mga problema sa bahay. Mukhang alam nilang hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang sakit na nadama last year.

Nakaupo ako sa duyan habang umiihip ang hangin isang umaga ng summer. Nagbabasa ako nitong isang lumang tagalog na pocketbook galing sa bookshelves ni tiya. Puno iyon ng alikabok kanina pero inayos ko para lang may mapaglibangan. Tungkol iyon sa isang lalaking may gusto sa isang babaeng taga Maynila. May hacienda ang lalaki at tinatawag siyang Agila dahil mala Agila ang kanyang mga mata.

Tuwing nababanggit ang rancho, mga kabayo, kambing, bukid at kung anu-ano pa ay wala akong maisip kundi si Hector. Sabi nila, face your fears... Kung gusto kong mag move on, kailangan masanay akong naiisip si Hector. Masanay akong naiisip siya at dapat kalaunan ay wala na akong maramdaman. Kailangan akong lubos na masaktan nang sa ganun ay maging manhid na ang puso ko.

Tumunog ang upuan sa bakuran namin. Napalingon ako sa umupo roon. Nakita ko si lola sa upuan. Nakangisi siyang nakatingin sakin. It's almost creepy. Pinagkibit balikat ko siya at nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Sigurado ka bang mahal ka niya?"

Nilingon ko ulit ang nagsasalitang si lola.

"Po?"

"Yung matipunong lalaki, sigurado ka bang mahal ka niya?"

Ginapangan ako ng kaba. Kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni lola Siling ay pakiramdam ko si Hector na agad.

"Yung bumisita dito nung nakaraang araw? Nung naligo kayo sa Alps?" Ngumisi ulit si Lola at kitang kita ko ang gilagid niyang walang ngipin.

"PO? Sinong bumisita dito?"

Humagikhik si lola saka tinitigan ako sa mga mata. "Yung lalaking makisig nga at matipuno..."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Pero kasi... binanggit niya ang araw ng kaarawan ko! Naligo kami sa Alps last week! Kahit na ginamit niya ang katagang 'nung isang araw' ay naniniwala akong may laman ang sinasabi niya!

"Anong ginagawa niya po dito?" Tanong ko.

Hindi niya ako pinakinggan. Imbes ay tinanong niya ulit ako. "Sigurado ka bang mahal ka niya?"

Wala sa isip kong sinabi na, "Oo!"

Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko. Alam ko... kung sino mang bumisita dito ay si Hector na iyon! Summer at walang pasok sa Maynila! Ang alam ko kasi ay nasa Maynila daw siya at doon na nag aral!

"Kung ganun ba't ka niya iniwan?" Nag iwas ng tingin si lola Siling sa akin.

Mas dumoble ang kabang naramdaman ko. Ngayon, siguradong sigurado ako na si Hector ang tinutukoy niya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon