Kabanata 17
Ako Lang
Kinabahan ako sa sinabi ni Hector sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o totohanan na. Tuwing tinitingnan ko siya ay lagi siyang nang aasar.
"Tomboy." Tawag niya sakin habang nag da-drive siya papunta sa amin.
Hindi ko na kinailangang ituro sa kanya ang daan patungo sa bahay. Alam niya na kung saan dadaan. Kaya wagas lang ang pang aasar niya sakin habang nasa daan.
"Hindi nga sabi ako tomboy!" Inirapan ko siya.
"O kung di ka tonboy, ba't ayaw mo sakin?"
"Ayaw ko nga sabi sa lalaki in general! Hindi ka exempted!"
"Bakit?" Tumaas ang kanyang kilay nang sinulyapan ako.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Hindi ako makapag taray nang maayos dahil naiisip ko na naman ang sabay na pag galaw ni Clark at Janine sa kama. Kinagat ko ang labi ko.
"Wala lang."
"Sinaktan ka ba ng first love mo?" Tanong niya.
Nilingon ko siya, "Shut up."
"O baka naman binasted?" Tumawa siya.
"Tsss." Hindi ko na siya pinatulan.
Lagi kasing bumabalandra sa utak ko ang nangyari sa amin ni Clark. Ang nangyari sa kanila ni Janine. At lagi kong naaalala na hindi pa nag iisang linggo iyon. Kakabalik ko na sa Maynila at sariwang sariwa pa ito. Hindi ko parin matanggap.
"Chesca?" Mas seryosong tanong ni Hector.
Napatalon ako sa sobrang gulat sa pagtawag niya sa akin. Mabilis akong bumaling sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha niya. Napansin ko ring tumigil na sa pag andar ang sasakyan.
"Ah! Dito na pala ako." Sabi ko sabay tulak sa pintuan pero bago ko tuluyang naitulak iyon ay hinawakan niya ang braso ko.
"Binasted ka ng first love mo?"
Kumunot ang noo ko sa seryoso niyang tanong. Tumawa ako at umiling.
"Adik ka ba?" Hinawi ko ang kamay niyang nasa braso ko.
Tumaas ang kilay niya.
"Wala. Sige na. Salamat." Sabi ko sabay sarado sa pintuan.
Tinted ito kaya hindi ko na siya makita sa loob. Kaya lang ay binaba niya agad ang bintana at naaninag ko na naman ang mala diyos niyang mukha. Sa ilalim ng mahinang liwanag galing sa poste namin ay kumislap ang bawat pag kurap ng kanyang mata at ang bawat pag hinga niya.
He was so damn gorgeous. Kahit na madilim ay hindi mo iyon maipagkakaila. Lalo na siyempre kapag maliwanag. Pero walang tatalo sa kagwapuhan niya tuwing seryoso o di kaya ay galit. Nakakangatog ng binti at parang gusto mo na lang matawa sa kabaliwan? Is that even possible? To be this gorgeous?
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...