Kabanata 69
Maayos
Nang gabing iyon, umuwi kami sa apartment. Walang kibuan dahil sa lahat ng nangyari. Marami akong tanong. Paano siya napunta sa bar? Anong nangyari kay Elena sa kanyang condo? Asan ang tito at tita niya? Kaya lang ay hindi ko magawa dulot ng pagod at pag kakailang.
Kinaumagahan ay nagmadali akong pumasok sa school kahit naka absent na ako sa unang subject. Ganoon din si Hector. Nagmadali kaming dalawa. Wala siyang damit kaya uuwi pa siya sa condo niya samantalang ako ay nakabihis at nakaligo na.
"Ihahatid na kita sa school."
"Wa'g na, Hector." Nag iwas ako ng tingin. "Mas lalo ka lang malilate."
"Ihahatid na kita, Chesca." Pag uulit niya.
"Wa'g na sabi." Medyo naiirita kong sinabi.
Nagkatinginan kaming dalawa sa harap ng hapagkainan. Masama ang tingin ko sa kanya, ganun din siya sa akin.
"Ateng, pahatid ka na." Sabi ni Craig habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok at nilalantakan ang pagkain namin.
Hindi niya alam kung anong nangyari kagabi sa bar. Actually, ayaw ko ng malaman niya dahil ayaw niya kay Clark noon pa, at paniguradong ipapapatay nito si Clark pag nalaman niyang ganoon ang nangyari. Hindi naman sa pinapanigan ko si Clark o ayos lang sa akin ang ginawa niya. Oo nga't kahit pagkakaibigan ay maaring hindi ko na maibabalik pa sa aming dalawa. Siguro kaswal na batian lang. Hindi ko maipagkakaila na may pinagsamahan kaming dalawa, na may tiwala parin ako na kahit may nangyaring ganoon ay may natitira paring respeto sa kanya para sa akin.
Padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan ni Hector nang nakarating na kami sa school. Lumabas din siya at sinundan ako.
"Kaya ko ng mag isa, okay? Wa'g mo na akong ihatid!" Utas ko at pinandilatan siya.
Umismid siya at bumuntong hininga.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tinalikuran ako. Umalis na ako sa pagkakataong iyon at dumiretso sa classroom. PInaulanan agad ako ng mga tanong ng mga kaibigan ko. Syempre, narinig nila iyong nangyari kagabi.
"Nabalian daw ng buto si Clark. Nasa ospital siya." Umiiling na sinabi ni Desiree.
Nalaglag ang panga ko sa kanyang binanggit. Nabalian siya ng buto? Dahil ba iyon sa mga suntok na ginawa ni Hector? Halos mapatay niya na nga si Clark kung di lang siya pinigilan nina Brandon kaya malamang dahil nga roon.
"Magsasampa ka ba ng kaso?" Tanong agad ni Tara.
Umiling ako.
Kagabi, napag isip isip ko na talagang hindi na. Una sa lahat, ayaw kong palakihin ang isyu na ito. Pangalawa, napuna ko ang pagsisisi sa mukha ni Clark sa mga huling nangyari. Hindi ko alam pero parang ito na iyong naging hudyat para sa aming dalawa na hindi na talagang magiging kami kahit ano pa ang mangyari. He broke my trust, big time. At alam ko rin na alam niya iyon.
"Pero dinig ko kay RJ, galit na galit daw si Hector. Baka daw magsampa iyon ng kaso?"
"Ewan ko. Pero ayaw ko na. Tama na. Ayaw ko ng palakihin ang issue."
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...