Kabanata 27

1.1M 33.7K 26.2K
                                    

Kabanata 27

I Love You

Nakangiti ako halos gabi gabi sa pagtitext namin ni Hector. Hindi ako mapakali habang naghihintay sa mga reply niya at lagi akong balisa pag matagal siyang magtext.

"Oh? Balik text text, ateng?" Nakangising sambit ni Craig nang isang gabi ay naabutan akong nilalamok sa duyan habang nitetext si Hector.

"Wa'g mo nga akong pakealaman!" Sabi ko sabay tago sa cellphone ko.

Tumayo na rin ako upang iwan siya sa labas. Papasok na lang ako sa kwarto at magmumukmok. Ayoko nang mapag usapan pa namin si Hector dahil lang sa nakita niyang pag titext ko.

Hector:

Ready ka na ba bukas?

Ako:

Medyo. Ikaw ba? First game?

Hector:

Yup. Icheer mo ako ah para manalo ako?

Ngumisi ako habang niyayakap ang unan sa kama.

Ako:

Hindi ako pwedeng mag cheer sa mga Agri Business, Hector. Business Ad ako. Susuotin ko bukas ang uniporme ng cheering squad ng Business Ad kaya hindi kita masusuportahan.

Hector:

Ganun ba? Edi talo na kami bukas! :(

Natawa ako sa smiley niyang sad face.

Ako:

Hindi kayo matatalo, magaling naman si Oliver at Harvey.

Hindi siya agad nagreply. Nabalisa tuloy ako. Kumabog ang puso ko sa kakahintay ng reply niya. Madalas ay mabilis siyang magreply. Wala naman kasi iyong trabaho sa bahay nila lalo na pag gabi. Pag umaga naman ay nasa rancho siya pasakay sakay daw ng kabayo. Kaya nagtaka ako nang umabot ng labing limang minuto bago siya nagparamdam ulit at tumawag.

"H-Hello?" Nanginginig kong sinagot ang tawag.

Hindi siya umimik. Ito ang unang beses na tumawag siya sa akin. Patext text lang kami noong mga nakaraang araw. Kaya naman ay kinabahan na ako nang husto.

Tumikhim siya sa kabilang linya. Dinig ko ang bigat sa boses niyang mala DJ sa radyo.

"Nagseselos ako."

Nagtindigan ang balahibo ko. Hindi lang dahil sa ganda ng boses niya kundi pati na rin mismo sa laman ng sinabi niya.

"H-Ha?" Pagmamaang maangan ko. "Bakit tagal mong nagreply?" Iwinala ko ang usapan dahil lubha akong kinabahan sa sinabi niya.

"Kasi nga... nagseselos ako."

Halos gumulong gulong ako sa kama habang yakap yakap ko ang unan. Mas mahigpit ko pa itong niyakap at hindi na natanggal ang ngiti ko sa labi.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon