Kabanata 28

1.1M 27.2K 14.4K
                                    

Kabanata 28

Patay Kang Chesca Ka

Parang nawawala ang kaluluwa ko sa kinatatayuan ko. Sobrang ingay at halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng emcee. Si Hector ay nakatayo sa gilid ng bleachers. Sumisigaw siya kasama ang mga kaibigang taga basketball team.

"BILISAN MO AT NANG MAKAPAGBIHIS KA NA!" Sigaw niya.

Mas lalo lang nag init ang pisngi ko. Napayuko ako sa damit ko. Oo na, maiksi ito at alam kong hindi niya iyon palalampasin. Siguro ay pinagbigyan niya lang ako ngayon kasi wala siyang magagawa. Pasalamat nga ako at nagawa niya akong pagbigyan dito at hindi niya ginamit ang pagiging bossy niya sa pag pigil ng cheering competition.

Pumwesto ako nang narinig ko ang pagsabog sa mga speakers. Iyon ang hudyat na naka-play na ang gagamitin naming effects o mixtape ng cheering.

Kinilabutan ako nang humiyaw ulit ang mga tao at nagsimula na kaming sumayaw. Gustong gusto ko ang simula namin. Pasabog at snappy ang galaw. Iyon marahil ang dahilan kung bakit naghiyawan ang lahat.

Nang inangat na ang mga unang papasa ere ay napa "Wow" ang mga tao. Ito din ang iniisip ko nung nag present ang mga taga Agri Biz. Buong akala ko may pasabog silang hindi pinakita noong rehearsal. Akala ko may tinatago pa sila. Pero nagkamali ako, wala silang tinago noong rehearsal. Kung ano ang nakita namin noong dress rehearsal ay iyon parin ang ginawa nila sa actual. Habang kami ay napag usapan na naming lahat na may tatlong stunts na hindi ipapakita sa rehearsal. Iyon ang naging lamang namin.

Nagulat ako nang hindi man lang ako nanginig pagka hawak ko ng balikat nina Gary at Greg para iangat ako.

"AYUSIN NIYO YAN! LAGOT KAYO SAKIN PAG NAHULOG YAN!" Sigaw ni Hector na umalingawngaw na naman dahil natahimik na ang audience sa panonood sa amin.

May mga tumawa at may mga hiyaw akong narinig dahil sa sigaw niya.

"Go! Go! Business Ad!" Sigaw ng mga taga Education.

Nagulat din ako nang may dala palang mga plastic bottles ang mga athletes ng Business Ad at sila mismo ay nag chicheer para samin! Tumatawa na lang kami pero hindi namin hinayaan iyon na makasira sa concentration namin.

"GO! GO! Agri Biz! Fight! Fight! Agri Biz! Kill all the Business Ad! LOSERS!" Sigaw ng cheerleaders ng Agri Biz ngunit natabunan din iyon ng mga bote ng taga Business Ad.

Nang ginawa ko ang stunt na itinago namin ay napasigaw ang lahat. Iyon yung stunt na gagawa ng pyramid at ako ang nasa pinaka taas. Bababa ako nang nag fi-flip ng tatlong beses. Narinig ko agad ang palakpakan kahit hindi pa kami tapos.

Ang pangalawang stunt ay ipeperform naman ng ibang flyers. Nasa harap kami habang ginagawa nila yung medyo mahirap na routine sa taas.

Yung pangatlo at panghuli ay halos kami ng lahat ay magiging flyer. Yung kaibahan lang nito ay may mas nasa mas mataas na pyramid. Kitang kita kong tumango sina Sarah (na flyer din) at ang ibang flyer at sabay sabay kaming tumungtong. Nagperform kami ng stag. Ito ang ayaw ko dito sa uniporme namin, eh. Pag peperform kami ng stag ay makikitang buo ang underwear namin. Well, yes, may cycling shorts kami pero nakakailang parin. Iyong cycling pa naman na pinili ng trainor namin ay yung pinakamaiksi na halos panty na lang. Aniya'y maiksi daw ang skirt kaya dapat lang na mas maiksi ang gagamitin.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon