Kabanata 32
Mahal Mo Na Ba Ako?
Kumain kaming dalawa ng tahimik. Sinusulyapan ko si Hector habang kumakain ng dala niyang barbecue at kung anu-ano pa.
"Ikaw ba nagluto nito?" Tanong ko.
"Hindi."
"Hindi ka marunong magluto?"
"Marunong, Chesca, pero di ako ang nagluto nito kasi wala akong time kanina. Busy ako sa booth." Aniya.
Tumango ako. Whoa! So marunong siyang magluto?
Pagkatapos kumain ay tumayo agad ako. Hinayaan ko siya sa banig. Pumunta ako sa gazebo at nagtanggal ng sneakers.
"Sayo ba itong bangka?" Tanong ko.
"Oo." Aniya.
Tiningnan ko ang ilog. Hindi naman gaanong malalim iyon pero tingin ko pag nasa gitna ka na ay lalalim na agad. Nakakatakot. Di pa naman ako masyadong marunong lumangoy.
Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang cliff sa tapat nitong gazebo. May mga ugat ng puno at vines doon sa cliff. Sa malayo naman ay ang malalaking bulubundukin na ng Alegria. Ganda talaga dito!
"Ha!"
Napatili ako dahil hinawakan ni Hector ang magkabilang balikat ko at umambang ihuhulog ako sa ilog. Tumawa siya nang hinampas ko ang dibdib niya. "Kainis ka!" Sigaw ko.
"Lika!" Aniya. Mabilis siyang tumapak sa bangka.
Nakahubad na siya ng sapatos pagkatapak niya dun at nag abot na agad ng kamay sa akin.
"Ha? Ayoko! Natatakot ako!" Sabi ko at napaatras.
"Ito yung plano kong gagawin natin ngayon, kaya lika na." Aniya.
"Eh... ayaw ko sa plano mo."
Nag angat siya ng labi at agad na inabot ang kamay ko at hinigit patungo sa bangka.
Kung hindi lang medyo malakas ang balanse ko ay malamang dumiretso na ako sa ilog. Mukha rin namang walang pakealam si Hector kung dumiretso man ako sa ilog dahil tatawa tawa lang siya.
"NAKAKAINIS KA HECTOR! BWISET!"
"Gustong gusto ko talaga pag umaayaw ka o nagtataray ka." Malamig niyang bulong sa tainga ko.
Tuliro ako dahil sa nangyari pero mas lalo lang akong natuliro sa sinabi niya. Mabilis ang paghinga ko at mabilis din ang takbo ng puso sa. Hinampas ko ang dibdib niya at nag angat ako ng tingin. Doon ko narealize na sobrang lapit naming dalawa na halos lumapat na ang dibdib ko sa kanya. Nakahawak din ang dalawang kamay niya sa likod ng baywang ko.
"Lumayo ka nga!" Sabi ko sabay atras.
Medyo gumalaw ang maliit na bangkang sinasakyan namin nang umatras ako kaya mas lalo siyang ngumisi.
"Sige, paglalayo ka sakin, mahuhulog tayong dalawa." Banta niya.
"Kainis! Sabing ayoko!" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...