Kabanata 29

1M 32.8K 8.1K
                                    

Una sa lahat. haha! sorry sa wrong spelling ko last update. Fate yun at hindi faith. yun lang.

-------------------------------

Kabanata 29

Ikaw

Mabilis kong dinampot ang bag ko sa room habang abala sa pagbibihis ang iba. Nakita kong sinundan ako ng tingin nina Marie at Gary.

"Oh, Chesca, ba't basa ka?" Tanong ni Marie.

Iyon ang dahilan kung bakit napalingon ang lahat sa akin.

"Uuwi na ako." Sambit ko sabay kuha ng jacket at agad sinoot.

Hindi na ako nag abala pang magbihis. Ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay ang makauwi ako sa bahay. Nanginginig ang buong sistema ko at hindi ko alam kung anong kaya kong gawin sa galit at panghihinayang ko. Galit sa ginawa nila sa akin... at panghihinayang... HIndi ko alam kung bakit ako nanghihinayang.

Bago pa sila makaapila ay umalis na agad ako doon. Halos tumakbo ako papuntang gate. Dinig na dinig ko sa corridor ang sigaw sa pangalan ni Hector. Nagsimula na ang game at mukhang mainit agad ang labanan dahil sa kanya.

Mabuti na lang at nang lumabas ako ay may nakita agad akong tricycle. Diretso ako sa bahay namin habang nanginginig ako sa lamig. Nang nakauwi na ako ay nagulat pa sina mama at tiya.

"Oh? Akala ko ba whole day ka ngayon sa school?"

"Ba't basa ka, Chesca?" Tanong ni Tiya.

"Pawis lang ito." Sagot ko at diretsong pumunta sa kwarto.

Nag flashback sa akin lahat ng nangyari kanina. Lahat ng pang aapak na ginawa nila sa akin, sa aking pamilya, at naiirita ako. Naiinis ako! Naiinis ako dahil totoo iyon! Totoo yung plano ko kay Koko noon! Totoong ganun ang pamilya ko! Pero hindi ko ginagamit si Hector para lang sa aming lupa.

Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha ko. Pinapangunahan ako ng galit at inis ko sa mga tao, sa pamilya ko, sa sarili ko!

Naligo ako at nagmukmok sa kwarto. Bukas ila-launch ang mga booth. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik doon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na makaapak ulit ako sa school.

"Chesca, diba acquaintance yung huling event sa closing ng Festival? May sosootin ka na ba?" Tanong ni Tiya nang bumaba ako sa hapon para kumain.

"Meron naman siguro sa mga damit ko." Sabi ko nang di siya tinitingnan.

"Okay ka lang ba?"

Napatingin ako sa kanya at tumango.

Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit na alam kong nawiweirduhan si Tiya sa asta ko.

Nang nag alas singko ay nagulat ako dahil panay ang tawag ni mama at tiya sa pangalan ko. Halos mabingi ako sa kwarto at para silang nalulunod sa kakatawag sa akin.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon