Kabanata 21

1.1M 32.6K 15.9K
                                    

Kabanata 21

Sagutin Mo Lang Ako

"Type mo ba ang mga chinito?" Ito ang salubong niya sa akin habang hinihintay niya akong makalabas sa crowd.

Nakapamaywang siya at nakasabit ang gym bag niya sa kanyang balikat. Bahagyang basa parin ang buhok niya sa pawis. Naka jersey pa siyang pambasketball at soot parin niya ang sapatos na ginamit niya sa laro.

"Hindi." Ngumisi ako.

Nanliit ang mga mata niya, "Kitang kita ko ang pag chi-cheer mo kay Harvey Yu!"

"Harvey Yu ang pangalan nung chinito?" Napaisip ako. Hmmm. Chinese.

Bigla niyang ni snap ang daliri niya sa mukha ko. Bumaling ako sa kanya at ngumisi. Nakita ko ang galit at naiinis niyang mukha bago ginulo ang basa niyang buhok.

"Ang pangit nun, Chesca! Di hamak na mas gwapo ako nun! Ha!" Umirap siya.

Napangiwi ako. Lalo na nung nakita kong mabilis ang paghinga niya.

"Nung una si Koko! Ngayon si Harvey! Ano ba yang mga mata mo?"

"Hoy Hector! Hindi naman ako yung tipong gwapo lang ang pinapansin. Hindi naman ako hayok sa gwapo! Yung importante sakin ay yung substance!"

Kinagat niya ang labi niya at itinuro ang mga naglalaro, "So ibig mong sabihin gusto mo nga ang isang iyon kasi may substance siya? Anong substance ba ang pinagsasabi mo nang madurog ko at maibaling sakin yung paningin mo?"

SERYOSO BA ITO? Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Ni head to foot ko siya at nakita kong tensyunado ang buong katawan niya. Hindi maka pirmi ang mga paa niya, mabilis ang hininga niya at bumubuntong hininga halos kada tatlong segundo.

Binatukan ko siya nang sa ganun ay mapakalma. Bumaling siya sakin gamit ang nagtatanong na mga mata. Tumawa ako sa ekspresyon niya.

"Uuwi na nga ako!" Umirap ako at pumanhik palayo sa kanya.

Sinundan niya naman ako. Alam ko dahil ramdam ko iyon sa mga titig ng mga pakalat kalat na babae sa gilid na nakatingin sa lalaking nasa likuran ko.

"Tsaka yung buhok mo, nakatali." Aniya sa likuran ko.

Bumaling ako sa kanya, "Ano ngayon? Hindi ka naman inaaway nitong buhok ko, ah? Tsaka bakit kung makapagsalita ka parang wala akong karapatan na mag tali ng buhok? Tss."

"Sinasabi ko lang naman na nakatali. Tsaka, kitang kita yung batok mo-"

Agad akong umismid at nakahawak sa batok ko. "Oh ano ngayon?"

Nag iwas siya ng tingin at tumigil sa paglalakad. Tinaas ko ang kilay ko at binuksan niya ang bibig niya para magsalita ng dahan dahan. "Ayaw ko."

Unti-unting namilog ang mga mata ko. Sa mundong ito, hindi lahat ng gusto mo ay maaring masunod. May mga bagay na talagang hindi mo maiiwasan. Inevitable. Pero ang isang ito, sanay atang kontrolado ang lahat. Lahat ng gusti niya ay dapat nasusunod. At mukha namang pinagbibigyan siya ng lahat ng taong nakapaligid. Spoiled, kung baga. Isang sabi niya lang na ayaw niya ay agad na umaayaw din ang iba.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon