Kabanata 5

1M 28.5K 4.8K
                                    

Kabanata 5

Holdaper!

Ganun ang trato ni Hector sa akin buong araw. Walang pasok kaya dinadala ako palagi ni Koko sa barkada niya tuwing nakikitang gumagala kung saan-saan.

Naiirita pa ako dahil panay ang gapang ng kamay niya ngayon sa likod ng monoblock chair na inuupuan ko habang nakikipag biruan siya sa matangkad na intsik na si Oliver. Napatingin ako sa balikat ko habang damang dama ko ang bawat daliri niyang unti-unting dumadapo sa balat ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at nag kunwaring okay lang. Nang bumaling ako pabalik sa mga nag uusap ay agad ko na namang nakikita ang naka ngising si Hector. Kumunot ang noo ko at inirapan na lang siya.

"Hay, naku, uwi na ako." Nakangising sambit ni Hector at agad tumayo.

Nahulog ang kamay ni Koko sa balikat ko dahil naagaw ni Hector ang atensyon ng lahat.

"Ha? Hindi ba maliligo dapat tayo ngayon sa Tinago? Hintayin mo kami?" Utas ni Oliver.

Nakita kong sumimangot ang mga babae. Napailing naman ang lalaki.

Humikab si Hector, "Next time na lang. Uuwi na ako. Inaantok." Aniya. "Ang boring dito." Lumingon lingon siya na para bang naghahanap ng mapaglilibangan.

"Wala ka ng pasok, diba? Buti ka pa, Hector." Ani Kathy na nag pout at hinawakan ang malaking nakahulmang braso ni Hector.

"Ako rin, wala na." Tumawa yung isang chinito na si Mathew. "Sabay na tayo palabas, dude." Utas niya.

Timing at tumunog ang bell, hudyat sa klaseng pang alas tres. Nagsitayuan kami. May isa pa kasi akong klase hanggang alas kwatro. Wala na naman akong kilalang kaklase. Si Koko ay nasa ibang minor subject naman. Nakakainis lang, late enrolee kasi.

"O sige, next time, ah?" Sabi ni Koko kay Hector.

"Hector, hintayin mo naman ako, oh." Sabi ng mapapel na si Kathy.

Yung isang maganda at kulot na babaeng katabi ni Kathy ay napangiwi sa sinabi ng kaibigan. Mukha atang hindi sila magkakasundo pagdating kay Hector.

"Sorry, Kath, next time na lang. Inaantok talaga ako." Ngumisi siya at sumulyap sakin.

Ngumuso ako at naunang umalis ng canteen.

"Teka lang, Chesca!" Agad akong sinundan ni Koko.

Bumaling ako sa kanya at tinitigan ulit ang mukha niya. Ayan na naman... kinikilabutan na naman ako. Tuwing ngumingiti siya sa akin ay parang may parte sa buhay kong namamatay. Ngayon ko lang siya natitigan nang maayos mula ulo hanggang paa. Napagtanto kong kulay dark blue ang t-shirt niyang may medyo nabuburang print sa gitna, faded ang pants niya at ang sapatos ay medyo old-fashioned.

"Ano, Koko?"

"Hindi ba last class mo na ito?" Aniya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon