Kabanata 59

1.1M 29.1K 27K
                                    

Kabanata 59

Home

Mabuti na lang at hindi nila gaanong nahalata na may kakaiba sa amin ni Hector. Masyado din kasing abala ang mga girls sa pictures. Kung tutuusin, sila lang naman ang walang alam, e. Ang mga lalaki ay may alam na, kahit si Clark. Mabuti na lang talaga at hindi naman gaanong maingay ang mga boys.

"Hindi ba tayo pupunta sa inyo?" Tanong ni Hector noong nasa sasakyan na kami.

Naisip ko rin iyon. Alam ng parents ko na nandito ako pero tuwing iniisip ko na kasama namin si Clark ay umuurong ang sikmura ko. Hindi maganda ang nangyari noong huling nagpunta si Clark sa bahay. Kung anu ano ang pinagsasabi ni Tiya sa kanya.

"Mamaya na siguro." Sabi ko kay Hector.

Nang dumating kami sa mansyon nina Hector, nanghinayang ako dahil wala kami sa iisang sasakyan. Gusto kong makita ang reaksyon nilang lahat sa gate pa lang ng bahay nilang may malaking Dela Merced na nakalagay.

Medyo malayo pa ang bahay nila sa gate. May dadaanan ka pang ilang pine trees at malawak na damuhan na may mga bulaklak. Nang nagpark sa garahe ng mga sasakyan ang sasakyan nina Hector ay agad na akong bumaba. Gabi na pero kitang kita ang kulay puting haligi ng buong mansyon ng mga Dela Merced.

"WOW!" Namamanghang sigaw ni Tara. "Ang laki!"

Nagsitunugan ang mga pintuang sinarado sa sasakyan nila. Tumunog na rin ang sasakyan ni Clark. May mga katulong na pumalibot sa sasakyan ni Hector para kunin ang mga bag nila.

"Sa guest room, paki dala." Sabi nung isang katulong.

"Picture picture!" Sigaw agad ng mga babaeng hindi pa ata napapagod sa pagpipicture.

Kaya hayun at panay ang pose namin sa mga camera nila kung saan ang background ay ang bahay nina Hector. Ilang sandali ang nakalipas sa pagpi-picture ay dinig kong may sadyang umubo sa likod. Kinabahan agad ako nang marinig ko iyon. Nilingon ko iyon at nakita kong si Tita Lina iyon ni Hector. Naroon din ang kanyang lola!

"Hello po! Good evening!" Paunang bati ni Janine.

"Hello po! Good evening, po!" Sabay sabay naman sila ngayon.

"Good evening, din!" Ngumisi si Tita Lina at nahagip ako ng tingin. Tumango siya sa akin.

Ang lola naman ni Hector ay iniisa isa kaming lahat at nanliliit ang mga mata.

"Naku! Ba't kayo ginabi? Ako nga pala ang Tita ni Hector, Tita Lina na lang ang itawag niyo sakin. Eto naman si Mama. Pwede nang lola ang itawag niyo sa kanya."

Ngumisi ang lola ni Hector at bigla akong tinuro. "CHESCA!"

Nalaglag ang panga ko nang lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

"Lola! Magandang gabi." Nahihiya kong sinabi.

"Naku, hija! Miss na miss na kita! Sobrang miss kita! Nung wala si Hector, gusto kitang dalawin pero dinig ko kay Aling Nena na hindi daw maganda ang paghihiwalay-"

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon