Kabanata 65

1.2M 27.6K 11.9K
                                    

Kabanata 65

Clingy

Maagang umalis si Hector kinaumagahan para sa diumanoy meeting. Dahil wala naman akong gagawin buong araw ay naisipan kong baguhin ang buhay ko. Yes. Sinasabi ko talagang magbabago ang buhay ko sa gagawin kong ito. Ngumiti ako sa sarili ko habang pumapasok sa isang kilalang shop. Ang alam ko ito iyong nirecommend ni Brandon kay RJ noon. Hindi ko inakalang magagawi ako dito.

Sinabi din ni Hector sa akin na isasama niya daw ako sa isang formal party ngayong gabi. Hindi ako sigurado kung anong meron sa party pero sabi niya tungkol daw iyon sa business at mukhang nandoon din iyong investor na tinutukoy niya. Hula ko naman ay iyong investor ay yung kausap niya sa beach na may kasamang dalaga. Oh well, let's forget about that. Iba na iyong noon kesa ngayon. Kami na ni Hector ngayon kaya masaya na ako at wala ng makakagulo sa aming dalawa.

"Anong ilalagay? Ito ba yung font na pinili mo?" Tanong ng lalaking gagawa ng tattoo ko.

Sinulat ko iyon sa binigay niyang papel. Pabalik balik niyang tiningnan ang papel at ako.

"Boyfriend mo?" Ngumisi siya habang inaayos ang mga gagamitin.

Nakaupo na ako sa upuang pang tattoo at pinanood siya sa kanyang mga ginagawa. May kasama din naman kami. Iyong babaeng seryoso sa computer, yung lalaking nag dedesign ng kung ano at yung isang customer na tinatattooan ng isa pang lalaki.

"Oo."

Tumaas ang kanyang kilay. "Sigurado ka na ba sa lalaking iyan?"

Tumawa ako. "Oo, e."

Tumango siya. "Naka ilang beses na kasi akong sinugod dito para tanggalin daw yung tinattoo kong pangalan ng syota."

"Alam ko namang di ko siya hawak. Pati puso niya. Kung sakaling magbago man ang puso niya at magmahal siya ng iba, hindi parin ako magsisisi sa tattoo na ito."

Oo. I want his mark. Hindi lang iyong invisible mark na lagi kong nararamdaman sa sarili ko. I want him permanently etched on my skin. Yung hindi na siya magiging insecure kasi alam niya na may pangalan niyang hindi na matatanggal sa balat ko.

"Baka iwan ka niyan dahil masyado kang clingy. Boys don't like girls who are clingy."

"I'm not clingy."

"This is an act of... clingy-ness." Tumawa siya.

Ngumuso ako.

Ano na? Di na ba ako magpapatattoo?

"Bahala na. Kung iwan niya ako. Ang importante ay totoo ang pagmamahal ko."

"Good girl." Kumindat siya sa akin at mukhang natauhan. "Saan mo ba gusto? More skin, better. Pag malapit sa mga buto, mas masakit."

Tinuro ko ang likod ko. Upper left ng likod ko. At alam kong may buto nga doon.

Napangiwi siya. "Alright, then."

Tumagal ng ilang oras yung pagpapatattoo ko ng "For Hector Dela Merced" sa likod ko. Dalawang linya iyon at medyo cursive at maliit.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon