Kabanata 2

1.3M 31.6K 22.1K
                                    

Kabanata 2

Hector

Dahil gustong maligo nina Craig at Teddy, naisipan naming puunta sa Tinago Falls. Hindi naman iyon kalayuan sa Alps kaya mabilis naming narating. Humalukipkip ako nang nakitang nag hubad ang dalawa at agad tumalon sa tubig.

Ayaw kasi nila sa Alps dahil mukhang mabenta ito ngayon. Maraming customer. Kaya dito kami sa Tinago na wala gaanong customer dahil masyado itong malalim para sa iba.

Umupo ako sa bato at tiningnan ang dalawang sumisisid sa malalim na parte. May mga babae pang tumitili doon sa kabila habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Heyyy..." Matigas na bati ng isang lalaki sa akin.

Napangiwi ako nang nakita ko kung sino iyon. Si Koko ay nakasoot parin ng jersey at humalukipkip kasama ko dito sa batong inuupuan.

"Hindi ko alam na agad pala kitang makikita sa araw ding ito." Aniya.

Hindi ako sumagot. Diretso ang tingin ko sa mga flirt kong relatives na ngayon ay pumupunta na sa mga babaeng nagpapapansin.

"Oh, suplada." Humalakhak siya.

Pairap ko siyang tiningnan at nakita ko ang pagmumukha niya, Live, HD! Medyo kayumanggi ang balat niya, sunog siguro sa araw sa pagbibilad, ngipin niyay puting puti at mukha siyang si Enchong Dee na kulang ng labing limang paligo.

"Pwede ba, I don't talk to strangers." Sabi ko at umirap ulit.

"Whoa! Spokening dollars!" Humalakhak siya.

Halos mabaliw na ako sa inis. He's getting under my skin. Sarap na niyang bigwasan. Relax, Chesca!

May nag ilaw sa utak ko sa mga sandaling iyon. AHA! Nakakainis siya! Hindi ako maiinlove sa isang tulad niya at hindi ako ma-guiguilty dahil isa 'tong Jejemon ang paiibigin ko! Pasintabi sa mga jejemon pero talagang gusto kong warakin ang Dela Merced na ito at kunin ang hindi niya deserve na titulo ng lupa namin!

Bumaling ako sa kanya at plastik na ngumisi. Tumaas ang kilay niya at ni head to foot niya ako gamit ang malagkit na mga mata.

"Taga Maynila ka, ano?" Aniya.

"Oo. Ikaw? Taga san ka?"

"Taga rito lang, Chesca."

Kinilabutan ako nang tinawag niya ako sa pangalan ko. Ngumisi siya at umiling.

"Naku! Ang ganda mo. Kung dito ka sana mag aaral, edi mag kaklase tayo. Anong year ka na sa highschool?"

"Ah! Kakagraduate ko lang." Inipit ko agad ang labi ko nang sa ganun ay di ko na madagdagan.

"See? Ako rin! Mag aaral ako sa Alegria Community College. Yung nasa may sentro." Kumindat siya.

WHOA! I'm actually surprised na nag aaral ang jejemon na ito!

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon