Kabanata 33
Oo Daw
Yumuko ako at nag iwas ng tingin. Kahit na ganun ay hinabol niya ag mukha ko sa mukha niya na para bang wala akong kawala. Gusto niya ng sagot. Ngayon. Hindi mamaya. Hindi bukas. Sagot. Ngayon.
"Hector, maghintay ka." Uminit agad ang pisngi ko sa pagpapakipot ko.
"Chesca." Mas lalong lumamig ang malambing niyang boses.
Inangat niya ang baba ko. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan niyang halos halayin ko na sa pag iisip ko. Shit lang! Grabeng burning abs, nakakalaway!
"Errr, maghintay ka." Pag uulit ko habang natatabunan ang mga tinitingnan kong bagay sa labi niya.
"Oo, maghihintay ako." Aniya na siyang nagpaangat sa mata ko.
Seryoso ang kanyang mukha nang nagkatitigan kaming dalawa.
"Kahit naiinip ako kaya kong maghintay, Chesca." Aniya.
Ngumuso ako para pigilan ang pagngisi.
Paano ba naman kasi... ang buong laman ng utak ko ay sagot ko na lang ang kulang dito. Naghalikan na kami at lahat lahat na. Kulang na lang talaga na official kaming mag on.
"I love you." Aniya sabay dahan dahang pulupot sa bisig niya sakin.
Bumaba ang tingin ko at naaninaw ko na naman ang naka boxer shorts niya lang na katawan katabi sa mga binti kong skirt lang ang tumatakip.
"Hector, magbihis ka na." Sabi ko. "Hindi ka na naman masyadong basa." Kinagat ko ang labi ko sa sinabi ko.
Bakit? Bakit? Ewan ko.
"Hmm? Hindi ka ba komportable?" May halong panunuya ang pagkasabi niya nun kaya liningon ko siya.
"Syempre, naka boxers ka lang kaya!" Aniya.
"Bakit? Komportable naman ako! Kung gusto mo hubarin ko pa 'to eh-"
"Tse! Wala akong pakealam kung komportable ka o hindi! Ang gusto ko ay magbihis ka na!" Sigaw ko sabay layo sa kanya ng konti sa kinauupuan ko.
"Oh? Bakit? I'm God's gift to woman! Ayaw mo nun? Nasayo ako. Sagot mo na lang kulang, iyong iyo na ako. Pwede mo ng gawin sakin ang kahit anong gusto mong gawin." Tumawa siya at lumapit sakin.
Naramdaman ko agad ang init ng kanyang binting dumampi sa binti ko.
"Lumayo ka nga!" Utas ko.
"Bakit lagi kang parang nandidiri sakin? Tsss." Sabi niya.
Naglakas loob na akong tumayo para umupo sa tapat na upuan ng bangka nang sa ganun ay tuluyan na akong malayo sa kanya. Hindi... Hindi ako nandidiri, Hector. Ang totoo niyan ay tila napapaso ako sa tuwing malapit ka. Pakiramdam ko pag magtatagal kaming magkalapit ng ganito ay matitibag ang lahat ng virtues na natutunan ko at alam kong hindi iyon tama. Hector is a big temptation. At pakiramdam ko ay hindi naman siya natatamaan ng ganun.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...