Kabanata 62
Si Carolina at Si Francis
Niyayakap ko ang mga tuhod ko habang nakaupo sa gazebo. Malalim na ang gabi ngunit ayaw ko paring umalis doon. Unti unti kong naramdaman ang init ng katawan ni Hector sa likod ko. Mainit niya akong hinagkan. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Hinalikan ko ang tuhod ko habang pinupulupot niya ang kamay niya sakin.
"Nilalamig ka na. Balik na tayo?" Bulong niya.
"Sandali lang..." Sabi ko.
I want to feel him. Iyong kaming dalawa lang talaga. Iyong walang nanggugulo. Walang problema. Naramdaman ko ang nakakakiliting hininga niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang unti unting pag gapang ng kamay niya sa tiyan ko. Napapikit ako dahil doon.
"Hmmm. Nararamdaman mo parin ba ako?" Bulong niya.
Gusto kong mag kunwari na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero nang tinanong niya iyon ay hindi ko maipagkakailang alam ko agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Mas lalo kong pinagdikit ang mga binti ko ngunit mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"We did it thrice, Hector. How can I not feel you?"
Humalakhak siya. "Gusto ko lagi mo akong nararamdaman. Palagi, Chesca, Palagi."
Huminga ako ng malalim. Masyado akong nalalasing sa boses niya kaya kailangan kong hawakan ang sarili kong kaluluwa tuwing malapit siya sa akin at nagsasalita siya. Ni hindi ko nga alam kung paano namin nagawang pangatlo ngayong gabi. Siguro ay masyado ng maraming nangyari at kulang ang isa. Oh, damn it!
"Pero nung una pa lang, ramdam ko na naman agad." Ngumuso ako lalo na tuwing bumubuhos sa akin ang buong alaala ng nangyari. "Paano kung mabuntis ako?"
Hindi naman sa hindi safe iyong ginawa namin. Lagi kong sinisigurado na safe iyon, kaya lang hindi ko maiwasang magtanong.
"Edi mas mabuti!" Humalakhak siya.
Kinurot ko ang braso niya. "Hindi yan mabuti! I'm still nineteen, Hector!" Wika ko.
"But I love you."
Uminit ang pisngi ko. "Pero hindi pa ako ready, Hector."
"Edi hihintayin ko kung kelan ka magiging ready. Pakasal muna tayo tapos hintay tayo kung kelan ka ready. Ayos yun!" Ngisi niya.
Napangiwi ako at napatingin sa kanya. "I'm still nineteen and I'm a model for God's sake."
"Model din naman ako. So what?"
Umiling na lang ako.
HIndi ko alam kung hindi niya ba naiintindihan ang gusto kong iparating o mas pinili niyang mag bingibingihan na lang.
"Hmmmm... Anong iniisip mo?" Bulong niya sa tainga ko nang nanahimik ako.
Nagulat ako nang hinalikan niya ang likod ng tainga ko. Mga halik na nakakapukaw ng damdamin. Iyong tipong hindi ka papakawalan hanggat di ka nag iinit. Kinagat ko ang labi ko at pinilit kong tumayo.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...